BONG GO, CHAIRMAN AGAD NG DALAWANG KOMITE SA SENADO

Naipamudmod na pala ang mga komite sa Senado. Dalawang komite agad ang hawak ng bagitong julalay ni Duterte.

Sotto: Dalawang Senate Committee ang Hahawakan ni Bong Go

Ayon kay Senate President Tito Sotto, dalawang komite sa 18th Congress ang hahawakan ng bagitong si Bong Go.

Magiging chairman ng Committee on Urban Planning, Housing, and Resettlement at Committee on Health ang bagong Senador. Sa kasalukuyan, hawak ito ni Senator JV Ejercito na natalo sa katatapos lamang na halalan.

Si Bato dela Rosa naman ang maging Chairman ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs samantalang si Francis Tolentino naman ang hahawak ng Committee on Local Government.

Matatandaang nagkaroon ng dinner ang mga senador para pag-usapan ang paghahati-hati sa chairmanship ng mga komite.

Ayon naman kay Koko Pimentel, posibleng makuha nya ang Senate committees sa trade at foreign relations.

Bong Go Gustong Maging Chairman ng Apat na Komite sa Senado

Kung si Bong Go ang masusunod, gusto nya sana na maging chairman ng apat na komite sa Senado sa darating na 18th Congress.

Ibig nyang pamunuan ang mga sumusunod na komite:

  • Health
  • Education
  • Sports
  • Urban Planning, Housing, and Resettlements

Drilon: Mag-aral Muna ng Paggawa ng Batas Bago ang Pakikialam sa Liderato ng Senado

Matatandaang pinayuhan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga bagitong senador na mag-aral muna sa paggawa ng batas.

Sinabi nya ito dahil sa mga balitang may planong patalsikin si Senate President Tito Sotto sa pagsisimula ng 18th Congress sa Hulyo.

Ayon kay Drilon, inihalal ang mga bagong senador para gumawa ng batas at di para makialam sa pagpapatalsik ng liderato sa Senado.

Tatlo sa mga myembro ng minorya sa Senado na sina Senator Risa Hontiveros, Kiko Pangilinan, at Leila de Lima ang sumusuporta kay Sotto dahil patas ito sa pagtrato sa mga senador.

Hindi makikinig ang mga senior senators sa mga bagitong senador lalo na kung wala namang nagagawang mortal sin si Sotto.

Kahit na walang binanggit na pangalan si Drilon, may mga ulat na hinihikayat ni Francis Tolentino si Cynthia Villar para tumakbong Senate President.

Pinalutang din ni Tolentino ang “HNP bloc” na kinabibilangan ng 9 senador na inendorso ni Sara Duterte.

Ang HNP bloc ay kinbibilangan nina:

  • Francis Tolentino
  • Manny Pacquiao
  • Koko Pimentel
  • Bong Go
  • Bato dela Rosa
  • Cynthia Villar
  • Ralph Recto
  • Pia Cayetano
  • Imee Marcos

Mga astig pala ang mga bagitong senador natin. Feeling nila eh alam na nilang patakbuhin ang Senado dahil sa marami sila. Ung julalay ni Duterte, dalawang komite agad ang hawak. Tiyak na sa kangkungan lang tayo pupulutin dahil sa yabang ng mga ito.

Sources:

Esguerra, D. (2019, June 6). Go eyes chairmanship of 4 Senate committees. Retrieved from Inquirer: Go eyes chairmanship of 4 Senate committees

Galvez, D. (2019, June 6). Go to get chairmanship of 2 Senate committees — Sotto. Retrieved from Inquirer: Go to get chairmanship of 2 Senate committees — Sotto

Romero, P. (2019, June 3). New senators told: Study lawmaking first before power play. Retrieved from The Philippine Star: New senators told: Study lawmaking first before power play