BEN DIOKNO, ANO ANG GAGAWIN NG FOOD CRITIC MO SA BANGKO SENTRAL?

Maugong ang usap-usapan sa Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagka-appoint ni Ben Diokno bilang Governor. Isa na dun ang pag-appoint ng isang food critic para pamahalaan ang investor relations office.

Diokno bitbit ang mga tauhan, kasama ang food critic sa BSP

Sa isang artikulo ni Victor C. Agustin sa Philippine Star, sinabi nyang may source sya sa loob ng Bangko Sentral na nagsabing nagsisimula na ang sigalot doon sa pagpasok ni Ben Diokno bilang BSP Governor.

18 katao na ang naipasok ni Diokno bilang executive at confidential assistants. Naiinis na ang mga career officials sa ginagawa ng bagong Governor. First time nilang makakita ng governor na sandamakmak ang dalang tauhan sa BSP.

Karamihan sa mga binitbit ni Diokno ay mga tauhan nya sa Department of Budget and Management.

RELATED: Ano Ang Panganib Sa Pagkatalaga Ni Ben Diokno Bilang BSP Governor?

Sinabi rin ng bagong Governor sa Monetary Board na gusto nyang i-appoint ang isang food critic para pamahalaan ang investor relations office na syang nakikipag-usap sa mga institutional investors at multilateral institutions.

Ganun din, ang nasabing food critic ang mamamahala sa corporate affairs office na syang nakatoka naman sa mga social events ng BSP.

Dalawa sa 18 katao na ipinasok ni Diokno sa BSP ay sina dating Budget Undersecretary Lilia Guillermo at dating Executive Director ng Government Procurement and Policy Board Dennis Santiago.

Kahit na consultant lamang si Santiago, pinamamahalaan nya ang procurement, bidding, at ilang sensitibong financial transactions.

Samantala, si Guillermo naman ang namamahala sa IT modernization program ng BSP. Naitsapwera si Assistant Governor Gerardo Galvey.

Pinayagan naman ni Managing Director for Human Resources Gerardo Butardo ang ganitong gawain ni Diokno kahit na may pagdududa ang kanyang boss na si Deputy Governor Cyd Tuano-Amador.

Nababahala si Amador sa posibleng gulo na idudulot ng sobrang daming outsiders na dala ni Diokno sa mga career officials ng BSP.

Pero, dalawang taon na lamang at magreretiro na si Amador kaya posibleng manahimik na lamang sya. Sa ngayon, mukhang si Butardo ang papalit sa kanya dahil hanggang July 2023 pa ang termino ni Ben Diokno bilang BSP Governor.

Isang food critic ang mamamahala sa investor relations ng BSP. Ano pong niluluto?

Source:

Agustin, V. C. (2019, June 14). Diokno brings the cavalry, roils Bangko Sentral; foodie rides to the rescue. Retrieved from Facebook: Diokno brings the cavalry, roils Bangko Sentral; foodie rides to the rescue