Bato Dela Rosa may Foot-In-Mouth Disease!

bato dela rosa

Dumale na naman si Bato dela Rosa. Kelan ba ma-zipper ang bibig nyan ha?

Bato dela Rosa umarangkada na naman ang kashungahan

Sabi ng bagitong senador at dating hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) Bato dela Rosa, karapat-dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon si convicted murderer and rapist Antonio Sanchez. Posibleng mapalaya ang dating mayor ng Calauan, Laguna dahil sa kabutihang asal sa piitan.

RELATED: DOJ Sec Guevarra Laban o Bawi Sa Sanchez Case

Pwedeng ibig lang nyang magpabibo sa publiko dahil bilang senador ay sya ang may firsthand information dahil dati nga syang hepe ng BuCor.

Pero, masyadong padalos dalos ang kanyang pagsasalita dahil sa di pa beripikadong ulat. Sabi nga, ang kanyang ginawa ay isang klasikong kaso ng foot-in-mouth disease.

Di rin naman ito tinanggap ng mga pamilya ng biktima at ng publiko, lalong lalo na ung may alam sa kahayupang ginawa ni Sanchez noong 1993 kung kailan sya ang itinurong mastermind sa rape-slay case ni Eileen Sarmenta at ng murder ni Allan Gomez na parehong estudyante ng UP Los Baños.

Matapos gahasin ni Sanchez si Sarmenta ay pinagpasa-pasahan din ito ng kanyang mga alalay. Pagkatapos, pinatay din sya tulad ni Gomez.

Noong March 14, 1995, nahatulan ni Pasig Regional Trial Court Judge Harriet Demetriou si Sanchez at anim nyang alalay ng guilty.

Itong mga pangyayaring ‘to ang basehan ng pagkasuklam ng pamilya ng mga biktima, mga politiko, at cause-oriented groups nang malaman nilang posibleng palayain si Antonio Sanchez dahil sa bisa ng RA 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) na pinirmahan bilang batas noong 2013.

Inamyendahan ng batas na ito ang ilang artikulo ng Revised Penal Code, kasama ang Article 97 na syang nagsasaad ng pagbibigay sa mga persons deprived of liberty ng allowance dahil sa kabutihang asal.

Maganda ang layunin ng GCTA dahil binibigyang pabuya ang kabutihang asal at kinikilala ang rehabilitasyon.

May mga bilanggong karapat-dapat mapalaya dahil sa kabutihang asal at pagbabago sa loob ng kulungan, ngunit di kasama si Sanchez doon.

RELATED: Bato Dela Rosa: Anong Klaseng Parent Ka?

Hindi lamang sina Sarmenta at Gomez ang ipinapatay ng dating mayor kundi pati na rin sina Nelson at Rickson Peñalosa na supporters ng kalaban nito sa pulitika.

Malala na ang foot-in-mouth disease ni Bato dela Rosa. Di lang naman ito ang unang beses na naging iresponsable sya sa kanyang mga pahayag. Kelan i-duct tape ang bibig ng bagitong senador?

 

Source:

Sievert, J. (2019, August 24). Tell it to SunStar: Putting foot in mouth. Retrieved from SunStar: Tell it to SunStar: Putting foot in mouth