Bato Dela Rosa: Anong Klaseng Parent Ka?

bato dela rosa

Nagpaandar si Bato dela Rosa. Tumirik naman. Soplak!

Bato dela Rosa nasoplak!

Hindi naman nakakagulat na sa unang hearing ni Bato bilang chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay pinuntirya nya ang mga militanteng grupo na isa sa mga tinik sa tagiliran ni Duterte.

Sa pagkukunwaring ang imbestigasyon ay hinggil sa diumano’y recruitment ng minors ng mga leftist groups, ibig nyang ipakita na sya’y isang advocate ng karapatan ng mga bata.

RELATED: Ano ang Solusyon Nina Bato at Chel Diokno sa Problema ng Illegal na Droga?

Ok lang sana kaso isa itong kabalintunaan. Sabi nga ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate, isa itong kaipokritohan.

Dala ni Bato dela Rosa ang mga naghihinagpis na nanay na dumulog para ibalik sa kanila ang kanilang mga anak na ni-recruit ng Anakbayan.

Ang isang matinong tao ay pababayaan na lamang na ayusin ng pamilya ang isang pribadong usapin pero ginawa itong public inquiry ng bagitong senador.

Lumabas ang sinasabing dalawang babaeng estudyante para linawin na boluntaryo silang sumali sa aktibistang grupo. Umalis sila ng kanilang mga tahanan dahil na rin sa mga pag-aaway ng pamilya.

Pero dahil si Zarate ang naglabas ng isa sa mga nawawala diumanong mga bata sa isang press conference habang nasa Senate Committee naman ang nanay, nagbanal-banalan si Bato.

Sabi ni dela Rosa kay Zarate: “What kind of parent are you? You’re also a parent. If you’re a responsible parent, you know the mother was crying, don’t you have pity on the mother? You should have helped, you should have brought the child to the mother.”

Sa totoo lang, tama rin naman si Bato pero maski ung mga estudyante sinabi nilang ayaw nilang makisawsaw sa public appearance ng kanilang mga magulang na isang pamamaraan ni dela Rosa para maipilit ang mga pulis at militar sa mga eskwelahan.

Sa isang Facebook post ni Alicia Lucena, isa sa mga estudyante, sinabi nitong “Para sa AFP at sa rehimeng Duterte (To the AFP and Duterte administration): Don’t you dare use me and my family to cover up your inutility and rotten administration.”

Nasa wastong gulang na si Lucena sapagkat 18 years old na sya. Isa na syang adult na pwedeng magdesisyon nang naaayon sa sariling pagpapasiya.

Nakakatawa rin ang istilo ni Bato dela Rosa na tila baga sobrang concerned sa kalagayan at kaligtasan ng mga kabataang ito.

Sinagot din naman si Bato ni dating representative Neri Colmenares: “Anong klaseng parent ka? Nais mong ibaba ang criminal age of responsibility para makulong ang mga bata. Anong klaseng parent ka? Maraming minors ang namatay sa antidrug campaign na pinamunuan mo (What kind of a parent are you? You want to lower the age of criminality so that children will be jailed… Many minors were killed in the drug war you administered).”

Nakarma si Bato. Sunog na sunog. Sabi nya nagdurugo ng kanyang puso sa mga menor de edad na na-recruit ng mga militanteng group at isinulong nya ang presensya ng mga militar at pulis sa mga unibersidad.

Hindi pa natin nakakalimutan ang kaso ni Kian delos Santos na pinaslang ng mga pulis Caloocan noong August 16, 2017. Kitang kita ng publiko ang mga pangyayari dahil sa CCTV recording.

PNP Chief noon si dela Rosa. Di sya nakitaan ng simpatiya kay Kian o maging sa mga magulang nito. Ayon pa nga sa kanya, courier ng droga ang bata dahil user ang tatay nito at pusher ang kanyang mga amain.

Wala namang nangyari sa mga akusasyon na ito. Tatlo sa mga pulis ang hinatulan ng murder pero na-promote pa ang hepe ng Caloocan PNP.

RELATED: Nasibak sa Pwesto na PNP General dahil sa Kian Slay, Hepe na ng PNP Highway Patrol Group?!

Isang pagkukunwari ang panibagong pagkamasigasig ni Bato dela Rosa para protektahan ang mga bata. Ngunit, soplak na soplak naman sya dahil sa dami ng mga menor de edad na napatay dahil sa marahas na war on drugs.

Tanda pa rin natin ang kanyang pamosong linya sa pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na si Myca Ulpina sa isang drug buy-bust operation. Shit happens, sabi nya.

Isang mapagkunwari at ipokrito ang bagitong senador na itatago natin sa pangalang Bato dela Rosa.

 

Source:

PDI Editorial. (2019, August 20). Rock of insincerity. Retrieved from Inquirer: Rock of insincerity