Basta! Invited si Jinggoy sa Amerika!

Basta! Invited si Jinggoy sa Amerika!

Ano kaya ung feeling na akala mo invited ka pero hinde! Hinde! Hinde!

Inaprubahan ng Sandiganbayan ang One Month Travel ni Jinggoy Estrada sa Amerika

 

Pinayagan ng Sandiganbayan na umalis ng bansa si Jinggoy, kasama ang kanyang pamilya, para magtungo sa Amerika kahit na may nakabinbing plunder case sa kanya.

Ang nasabing paglalakbay ni Jinggoy ay mula April 30 hanggang May 30. Pinayagan siya ng Sandiganbayan kahit na mariin itong tinututulan ng prosecution team ng Ombudsman.

Ayon sa kampo ni Jinggoy Estrada, naimbitahan ng grupong US Pinoys for Good Governance (USPGG) na maging guest speaker si Jinggoy sa kanilang annual general membership meeting na gaganapin sa May 20, 2018 sa Michigan.

Isinumite ni Jinggoy ang isang invitation letter na pirmado ni USPGG President William Dechavez. Ayon sa sulat, “Our members would like to know the latest development in the Philippines, particularly those pertaining to the issues over extrajudicial killings, Dengvaxia mess and federalism plan.” Ang taunang meeting ay inaasahang dadaluhan ng humigit kumulang 80 myembro.

Ganun din, sasangguni si Jinggoy sa isang orthopedic surgeon sa Stanford Hospital dahil sa pananakit ng kanyang balikat.

Ayon kay Estrada, matagal na nyang pangako sa anak nyang si Julian ang US vacation ngunit ngayon lamang nya matutupad.

Itinanggi ng USP4GG na may Imbitasyon Sila kay Jinggoy Estrada

 

Ayon sa grupong USPGG, “This news is erroneous. USPGG Willie Dechavez did not invite Jinggoy Estrada to speak in Michigan under USPGG nor is any program being planned by USPGG Michigan since Willie Dechavez is on vacation in the Philippine.”

Lumapit daw ang isang Tony Antonio kay DeChavez upang sabihing imbitahin ng grupo si Estrada ngunit sabi ni Dechavez, hindi nya pwedeng gamitin ang grupo sapagkat kailangan pa nyang sumangguni sa mga myembro ng grupo sa Michigan.

Tutuparin daw ni Jinggoy ang Commitment Nyang Maging Speaker

 

Sabi ng abogado ni Jinggoy na si Alexis Abastillas-Suarez, “Basta (Still) we received an invite and we are honoring it. Whatever misunderstanding they have is already beyond us.”

Paano kaya i-honor ni Jinggoy ang imbitasyon kung wala naman palang planong magkaroon ng pagtitipon ang USPGG sa Michigan sa May 20?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *