Bakit Kailangang Ipaglaban ang Demokrasya?

ipaglaban ang demokrasya

Marami pa rin ang bantulot na ipaglaban ang demokrasya pero kailangan talaga.

Dapat ipaglaban ang demokrasya

Katatapos lamang ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Martial Law sa ilalim ng rehimeng Marcos. Ito’y isang paalala sa ating lahat na ang ating kasaysayan ang patunay na ang sobrang kapangyarihan ay nakakasama sa lipunan.

RELATED: Naghihingalong Demokrasya sa Pilipinas

Ang pagkakaroon ng isang diktadurya sa gobyerno ay mukhang mabuti para sa ilan nating karatig-bansa gaya ng South Korea, Singapore, at Malaysia dahil naiangat nila ng estado sa buhay ang kanilang mga mahihirap. Ngunit, hindi naman naging maganda ang ating karanasanan sa isang authoritarian government.

Sa ngayon, makikita nating ang mga nagpasasa noong panahon ng diktaduryang Marcos ay nakabalik na sa kapangyarihan dahil na rin sa ibinoto sila ng taumbayan. Mas pinili nila ang authoritarian system of government. Hindi na batas ang nangingibabaw, kundi ang kagustuhan na lamang ng ilan. Kung tama ang sinasabi ng mga survey, mukhang mas maraming Pilipino ang masaya sa nangyayari sa bansa.

Tatanggapin na lamang ba natin ito? Ito nga ba ang gusto ng sambayanan?

Mali ang istratehiyang gumamit ng bilateral, imbes na multilateral, negotiations sa China. Maliwanag na maliwanag na mas maraming teritoryo na ang kinakamkam nito sa South China Sea at maging sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Duterte na ihahain nya ang pagkapanalo ng bansa sa UN Arbitral Court sa pinakahuling pagpupulong nila ni Xi Jinping. Ngunit, umuwi naman syang luhaan. Ganun pa rin naman ang sinabi nya, wala tayong magagawa dahil may malakas na militar ang China. Talong talo tayo.

Patuloy pa ring nakakulong si Senator Leila de Lima kahit na di naman kapani-paniwala ang mga paratang sa kanya ng mga convicted criminals na ngayon ay wala na sa Bilibid, kundi nasa isang kampo na ng Philippine Marines. Dapat sana ay nasa masikip pa rin silang kulungan kung saan sila nababagay.

Ang ilang opisyal ng gabinete ay may mga kaso ng paglabag ng civil service laws dahil sa conflict of interest. Ngunit, patuloy pa rin silang nasa pwesto.

Samantala, kinasuhan ng rehimeng Duterte sina VP Leni Robredo at mga kasama sa oposisyon ng sedition dahil lamang sa isang di kapani-paniwalang testimonya ng isang testigo na nauna nang inakusahan ang pamilya ng Presidente na mga “narcopoliticians.”

Halos araw araw naman ay may sariling interpretasyon ang Presidential Spokesperson tungkol sa mga sinabi ni Duterte sa kanyang speeches.

Ano ang mali sa mga nangyayari sa kasalukuyan?

  • Tahimik ang business community

Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III, maganda ang mga economic numbers ng Pilipinas. Hinayaan kasi ni Duterte ang kanyang economic managers na pamahalaan ang ekonomiya. Matatandaang pinakiusapan si Dominguez ng Pangulo  na maging Finance Secretary.

Andyan din si Department of Agriculture Secretary William Dar na sinasabi ng mga eksperto na malaki ang maitutulong sa problema ng kahirapan. Marami sa mga mahihirap ay nasa mga probinsya at mukhang maganda naman ang kanyang mga plano.

Kung maganda naman ang itinatakbo ng ekonmiya, dapat ba tayong manahimik na lamang at maupo sa isang tabi? Bakit kailangan nating mabahala?

  • Posibleng lumala ang sitwasyon

Ang patuloy na pagsira sa ating lipunan at sa pinapahalagahang demokrasya, kung di mapipigilan ngayon, ay posibleng lumala at mapanghina ang estado. Posible ring maging sunud-sunuran na lamang tayo sa China sa hinaharap.

Ano ang dapat gawin ng minorya?

Ang minorya ay kailangang magpatuloy sa paglalahad at pagtatanggol ng mga kalayaang ating mga tinatamasa. Kailangang ipagtanggol ang rule of law at ang karapatan  sa pamamahayag. Ang mga matatapang na mga kilalang tao sa lipunan at mga aktibista ay nangangailangan ng ating suporta para patuloy na tutulan ang mga paglabag sa batas at sa Saligang Batas. Ang mga aktibista sa party-list system ay nakakadagdag din para sa pagtatanggol ng ating mga kalayaan mula sa pang-aabuso ng may kapangyarihan.

Hindi tayo nabiyayaan ng ating kultura ng mga lider na ang tanging kagustuhan lamang ay maglingkod sa mga Pilipino. Posibleng sa simula ay masidhi ang kanilang kagustuhang makatulong, ngunit masyadong namamayani ang traditional politics, katapatan sa pamilya at mga kaibigan, at masyadong magastos na halalan kung kaya marami sa kanila ay mga nagiging mandarambong. Ang nakakalungkot nga lamang ay patuloy na namamayagpag ang mga ganitong klaseng lider imbes na magdusa sila sa kulungan.

Kung patuloy tayong magiging tahimik, tayo’s nagiging kasabwat. Mas nakakadagdag tayo sa paglala ng sitwasyon.

RELATED: PAANONG SINISIRA NG POPULISM AT IDENTITY POLITICS ANG DEMOKRASYA SA SOUTHEAST ASIA?

Kahit na kokonti lamang tayo, kung tayo’y mag-iingay at magiging agresibo, matutulungan nating maprotektahan ang kaluluwa ng bansa mula sa pagkasira dahil sa mga di makontrol na pamamahala ng mga tao sa gobyerno ngayon. Kahit naman maging maganda ang takbo ng ekonomiya, kung pinabayaan naman natin ang pangangalaga sa ating mga katawan, wala rin namang mangyayari.

Anong klaseng bansa at lipunan ang ating iiwanan sa mga susunod na henerasyon? Hindi tayo dapat manatiling nakatanghod na lamang. Kailangang ipaglaban ang demokrasya.

 

Source:

Abesamis, T. S. (2019, September 24). Defending our democratic space. Retrieved from Business World: Defending our democratic space