Bakit Hindi Akma ang Federalismo sa Pilipinas?

Bakit Hindi Akma ang Federalismo sa Pilipinas?

Sanrekwang budget na ang ibinuhos para dyan sa Federalismo, pero bakit di kinakagat ng taumbayan?

Ano ang mga Disadvantages ng Pag-shift sa Federalism

 

  • Mas hahatiin ang mga Pilipino

Marami pa ring mga Pilipino ang hindi nag-iisip at umaakto bilang isang bansa. Marami pa rin ang mas kumikiling sa kanilang pagiging regionalistic. Kaya nga, imbes na magkaroon ng national unity, patuloy pa rin ang pagkakahati-hati.

Gaya ng sabi ni dating Chief Justice Hilario Davide, mas hahatiin ng Federalism ang taumbayan. Magkakaroon ng double loyalties. Mas mahirap tanggalin ang regional factions kung ang bawat rehiyon o probinsya ay magkakaroon ng sariling batas o Constitution. Eventually, magkakaroon na rin ng sariling watawat at anthem ang mga lugar na ‘to.

Mahirap makintal sa mga Pilipino ang patriotism o pagiging makabayan kung ang unang una nilang naiisip ay ang pagiging Ilocano, Cebuano, Bicolano, etc nila. Mas magiging mahirap ang nation building kung ipipilit ang Federalismo dahil nga hindi maisasapuso at isasabuhay ang pagiging Pilipino.

 

  • Mas lolobo ang bureaucracy

Sa ngayon, mababa ang ranking ng Pilipinas sa ease of doing business. Masyadong maraming red tape at bureaucracy. Matagal bago makagpa-register ng new business, makakuha ng mga licenses, at makasunod sa iba’t ibang regulasyon ng pamahalaan.

Ayon kay Davide, mas lalala ito kung ipapatupad ang Federalismo dahil mas lolobo ang bureaucracy. Sa isang Federal form of government, magkakaroon ng maraming government authorities o seats of power.

Ang isang Federal government ay magkakaroon ng maraming States o Regions. Kailangan ding i-reorganize ang Judiciary at Constitutional Commissions. Isang malagim na  bangungot para sa mga private businesses ang pagtatayo at pag-operate ng kani-kanilang mga negosyo.

 

  • Magpapatuloy pa rin ang Political Dynasties

Hindi madaling tanggaling ang feudalism sa Pilipinas. Pinanatili ito ng mga elitista sa ating kultura. Kung ipapatupad ang Federalism, patuloy na mamayagpag ang political dynasties. Ayon nga sa isang speech ng dating Constitutional Commissioner Christian Monsod, ang Philippine society ay “still feudalistic dominated by a ruling class that rotates among themselves the levers of power through changes in administration. The fact is that 1% of the families make the laws, dispense justice, implement programs, and control media.”

Magiging weak ang demokrasya kung patuloy na palalakasin ng Federalismo ang mga political dynasties at feudal societies.

Masyadong toxic para sa bansa pag pinagsama ang feudalism at political dynasties sa ilalim ng Federalismo. Posibleng ang elite ay bumalik ulit sa pagkakaroon ng private armies para lamang magkaroon ng kasiguruhan ang kanilang pamamayagpag sa rehiyon. Magiging warlords na sila.

Posibleng isang malagim na panaginip ang pagkakaroon ng elections. Hindi na ito magiging honest at credible at lalong hindi na rin ito magiging orderly at peaceful. Magsa-suffer ang rule of law kung ang power ay nasa feudal at war lords.

Sa kasalukuyang estado ng Pilipinas, ang pag-shift sa federal form of government ay hindi magiging sustainable at exclusive. Kung babaguhin ang sistema ng pamahalaan, siguraduhin munang in place ang lahat ng safeguards para matanggal ang mga challenges dulot ng political dynasties, feudalism, at regionalism.

Hilaw ang pagsusulong ng Federalismo. Pinagpipilitan sa sambayanan PERO hindi naman sinasagot ang mga issues na kaakibat nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *