Bakit Ayaw Ipaubaya ng mga Senador ang Pamamahala ng Coco Levy Trust Fund sa mga Coconut Farmers?

Bakit Ayaw Ipaubaya ng mga Senador ang Pamamahala ng Coco Levy Trust Fund sa mga Coconut Farmers?

Pera naman ng mga magsasaka yan, di ba? Di ba tama naman na sila ang mamahala nyan? Empower them.

Watered-down Coconut Levy Trust Fund Bill Ok’d on 2nd Reading

Nadismaya ang mga grupo ng coconut farmers sa pagkakapasa sa 2nd reading ng coconut levy trust fund bill. Hindi ito ang kanilang inaasahan sa mga Senador natin sa kasalukuyan. Hindi sila pinagbigyan ng mga mambabatas ng pagkakataon na pamunuan ang trust fund committee ayon sa original bill ni Senator Kiko Pangilinan.

Ayon sa Senate Bill 1223 o “Coconut Farmers and Industry Development Act” ni Senator Kiko, magkakaroon ng trust fund committee na pamumunuan ng mga coconut farmers. Ang komite na ito ang mamahala sa mahigit kumulang 76B pesos na coco levy fund na kinolekta sa mga coconut farmers simula pa noong panahon ni Marcos.

Sa halip, pinanigan ng mas maraming senador ang panukala ni Senator Ralph Recto na ang Philippine Coconut Authority ang mamahala sa coco levy fund na magkakaroon ng 11 members na ang anim ay mga magsasaka. Ganun din, ayon sa panukala ni Senator Recto, isasama sa taunang General Appropriations Act ang coco levy fund.

Hindi Sang-ayon ang mga Coconut Farmers sa Pagbabago ng Senado

Ayon sa Kilusan para sa Ugnayan ng mga Samahang Magniniyog ang ganitong aksyon ng Senado ay taliwas sa may apatnapung taon nilang pakiusap na ibalik ang pera sa kanila. Ganun din, ang pagsasailalim ng coco levy fund sa General Appropriations Act ay taliwas sa utos ng Korte Suprema na tanging mga coconut farmers lamang ang makikinabang sa nasabing pondo.

Hindi rin Pinakinggan ng Senado ang CBCP sa Pakiusap Nitong Huwag Amyendahan ang Coco Levy Fund Bill

Bago ang pagtalakay sa Senado, nakiusap din ang social action arm ng Catholic Church na ibasura ng mga senador ang mga panukalang pagbabago sa coco levy fund bill. Ayon dito, ang mga pagbabago ay magpapawalang kapangyarihan sa mga coconut farmers sa kanilang karapatang magdesisyon para sa naturang 75B-peso fund.

Ayon kay Father Edwin Gariquez, executive secretary ng National Secretariat for Social Action ng CBCP, “Coconut farmers have suffered enough and this 40-year injustice has to end. We are appealing to our senators to give our farmers their right to decide on what to do with the coco levies.”

Ayon sa liham ni Father Gariquez sa Senado, ang pera ng coconut levy fund ay isang special fund na dapat gamitin para sa pagsasaayos ng mga maliliit na coconut farmers. Ayon sa grupong KILUS Magniniyog, ang coco levy fund ay hindi dapat kasama sa Philippine Coconut Authority dahil posibleng maging unconstitutional ang pagbabago sa PCA Board. Ganun din, ayon sa PCA charter, ang mandato ng PCA ay para lamang sa coconut oil production.

Ayon din kay Father Gariquez, parte ng coco levy scam ang PCA. Naniniwala si Father Gariquez na dapat mga coconut farmers ang mamahala sa Trust Fund Committee.

Nagkagirian na sina Senators Kiko at Ralph sa Coco Levy Fund

Matatandaang nagkagirian din ang dalawang senador dahil sa usapin ng paghawak ng coco levy fund. Nais ni Recto na tanggalin ang Trust Fund Committee sa panukalang batas ni Senator Kiko. Natural lamang na tutulan ni Senator Kiko ito.

Ayon kay Recto, “Let us assume, for the sake of argument, what would a farmer know with regard to the timing of the securities so on and so forth?”

Ito nama’y sinagot ni Senator Kiko, “We will concede that a farmer may not necessarily be an expert in this particular aspect of determining an investment plan. However, it is their fund.… In the interest of transparency and to ensure that the farmers’ representatives are present when these funds are invested, there would be greater chance at least of the fund not being misspent.”

Sa pagdepensa ni Senator Pangilinan, sinabi nyang maraming tungkulin ang Trust Fund Committee na ito at hindi lamang magdedesisyon o magbibigay ng guidelines kung paano i-invest ang pera ng coco levy fund.

Sinang-ayunan ng Coconut Industry Reform Movement si Senator Pangilinan, “Yes, both the sector and government. This provides the essence of trust that jointly makes decisions regarding utilization, management, and administration of the fund. Trust is essentially, for the organized sector, a matter of active participation, controls, and transparency.”

Nakakalungkot lamang na napagdesisyunan ng iilan ang kinabukasan ng mga magniniyog. Sa paulit ulit na pagkakataon, patuloy pa ring naiisantabi ang hinaing ng mga ito para makuha nila ang ganang para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *