Arthur Tugade Di Naman Traffic Expert

arthur tugade

Nagpapatutsadahan na sina DOTr Secretary Arthur Tugade at Senator Grace Poe.

Poe: Kailangang palitan si Arthur Tugade para solusyunan ang problema sa trapiko

Hinimok ni Senator Grace Poe si Duterte na magtalaga ng isang eksperto para solusyunan ang problema sa Metro Manila traffic. Nanindigan sya na di kailangan ng emergency powers ng Pangulo para rito.

RELATED: EDSA Traffic Di Solusyon ang Emergency Powers

Nang tinanong sya kung kailangang palitan na si Tugade, sinabi ng senadora na kahit man lang sa isyu ng trapiko para makahanap ng tamang solusyon para rito.

Maraming beses nang pinangunahan ng senadora ang Senate inquiry hinggil sa traffic congestion. Ang pinakahuli ay ang planong provincial bus ban sa EDSA. Tutol sya sa pagbibigay ng emergency powers dahil sa walang traffic plan.

May kapangyarihan si Duterte sa ilalim ng mga kasalukuyang batas para pakilusin ang mga opisyal ng kanyang Gabinete para solusyunan ang trapiko.

Pinapayagan din naman ng batas ang mas mabilis na procurement kapag may emergency. Ganun din, may ipinalabas nang Executive Order na nagsasabing di na kailangang dumaan pa ng Department of Transportation (DOTr) sa state procurement board.

Ayon kay Poe, di kailangan ng pangulo ng emergency powers para italaga ang pamahalaang lokal at ang pamahalaang nasyonal na magkasundo sa pagkakaroon ng isang traffic plan.

Yan lang naman ang hinihiling ng senadora: traffic plan at transportation plan. Ngunit, hanggang ngayon ay di pa nila ito maisumite.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse kamakailan, may mga pasyenteng namamatay sa ambulansya dahil sa naipit sila sa trapiko. Napilitang umapila ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga motorista  na pagbigyan sa daan ang mga ambulansya.

Maraming batas na pwedeng gamitin para solusyunan ang problema sa Metro Manila traffic.

Palitan ng patutsada umiigting sa pagitan nina Poe at Tugade

Mataas na ang tensyon sa pagitan nina Tugade at Poe. Kamakailan, sinabi ng senadora na kailangang palitan ang DOTr Secretary para masolusyunan ang problema sa trapiko.

Nag-isyu na ng pahayag ang DOTr para sabihing di kasama sa mandato nila ang pagsasaayos ng trapiko. Ngunit, bumwelta si Tugade at sinabing “too full of herself” si Grace Poe.

Para kay Tugade, nanghihimasok na ang senadora sa official functions nya. Si Duterte lamang ang kanyang pinaglilingkuran at hindi sya sasailalim sa “whims, caprice, and theatrics of misguided politicians.”

Nagkainitan ang dalawa sa Senate hearing kamakailan hinggil sa pagbibigay ng emergency powers sa Pangulo para solusyunan ang trapiko.

RELATED: EDSA Traffic: Paano nga ba Sosolusyunan?

Ayon sa DOTr, kailangan ang emergency powers para mapabilis ang mga pagtatapos ng mga proyekto at polisiya na syang makakapagpaluwag ng daloy ng trapiko sa Metro Manila nang di sila natatakot na maidemanda sa korte.

Walang suporta ang hangad na emergency powers

Matagal nang di umuusad ang kahilingan ng DOTr para sa emergency powers. Ayon kay Tugade, magpapatuloy ang kanyang ahensya sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto para mapaluwag ang daloy ng trapiko sa Metro Manila at sa ilang mga syudad.

Bakit mo naman kasi bibigyan ng emergency powers kung wala namang matinong traffic at transportation plan na maisumite ang ahensya ni Arthur Tugade?

 

Sources:

ABS-CBN News. (2019, September 12). Poe says ‘traffic expert,’ not Tugade, can solve Metro gridlocks. Retrieved from ABS-CBN News: Poe says ‘traffic expert,’ not Tugade, can solve Metro gridlocks

Philippine Daily Inquirer. (2019, September 13). Poe, Tugade trade barbs after heated Senate hearing. Retrieved from Inquirer: Poe, Tugade trade barbs after heated Senate hearing