Arnell Ignacio: That is a Crime!

Arnell Ignacio: That is a Crime!

Bakit kanya kanyang kilos ang mga government agencies sa ilalim ng rehimeng Duterte?

Krimen ang Ginawa ng Philippine Embassy sa Kuwait

Sa interview ni Overseas Workers Welfare Administration Deputy Administration Arnell Ignacio sa DZBB Super Radio, sinabi nyang krimen ung ginawang pag-rescue ng DFA sa mga inabusong OFWs. Hindi raw dapat kinuhanan ng video at nai-share sa publiko.

Ipinakita sa video na sinasagip ng mga opisyales ng Philippine Embassy ang ibang OFW domestic workers na inaabuso ng kanilang employers sa Kuwait. Kaya nga, nag-file ng diplomatic protest ang Kuwait dahil sa paglabag ng Pilipinas sa “diplomatic norms”.

Dagdag pa ni Ignacio, ung pag-post sa social media ay nakapagpalala pa ng sitwasyon. Sabi nya, “It’s like you insulted and trampled on their government.”

Ipinalabas ng Saksi ng GMA News ang video pero na-post din naman ni RJ Nieto ng Thinking Pinoy ang video sa Facebook. Pareho silang binabanggit ang DFA Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs bilang kanilang source.

Kung maski si Arnell Ignacio umaangal, so hindi alam ng OWWA na may rescue plan? Hindi ba dapat alam nila un dahil OFW ang involved?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *