Ano ba ang Herrera Law? Bakit ba Issue Yan sa Endo?

Ano ba ang Herrera Law? Bakit ba Issue Yan sa Endo?

May mga pagkakataon na maganda ang intention ng batas pero nagkakaroon ng problema sa implementation nito.

Ano ba ang Provisions 106 to 109 ng Labor Code na Tinaguriang Herrera Law?

Source: Gancayco Law Office Website

Sinasabi sa Article 106 na may power ang DOLE Secretary na magpatupad ng mga regulations, magbawal, o maghigpit sa labor contracting para protektahan ang mga workers. At dyan, nagkakaproblema ang mga manggagawa.

Bakit Hindi Dapat Isisi kay Dating Senador Ernesto Herrera ang Buong Problema ng Labor Contracting?

 

May interbyu ang Business Mirror sa anak ng yumaong dating Senador Ernesto Herrera noong 2016. Noong namatay si Boy Herrera noong October 2015, sinabi ng kanyang anak na si Ernest na unfair na isisi sa kanyang ama ang paglaganap ng abuso tungkol sa labor contractualizations.

Ayon kay Ernest, ang kanyang ama ang nagsabatas ng regularisasyon ng mga empleyadong naglingkod sa kanilang employers ng tuloy tuloy sa loob ng anim na buwan.

Ganun din, isinisi ni Ernest sa pagpapatupad ng mga DOLE Secretaries. Sa pamamagitan ng DOLE circulars pinayagan ang labor-only contracting agencies na nag-ooffer ng 5-month contracts sa mga desperadong Pilipino na naghahanap ng trabaho.

Ano ang Department Order 18-02 Series of 2002?

 

Ang Department Order 18-02 ay ang implementing rules ng Articles 106-109 noong panahon ni DOLE Secretary Patricia Sto Tomas.

Ano ang Department Order 18-A Series of 2011?

 

Ang Department Order 18-A ay ang implementing rules ng the same articles ng Labor Code na pinirmahan ng dating DOLE Secretary Rosalinda Baldoz.

Ano ang Department Order 174 Series of 2017?

 

Ang Department Order 174 ay ang implementing rules ng parehong mga artikulo ng Labor Code na pinirmahan ng kasalukuyang DOLE Secretary Silvestre Bello.

Posibleng may mga iba pang Department Orders ang ibang naging DOLE Secretaries na hindi ko nakita nung nag-research ako.

I am not going to expound on the law and the department orders dahil hindi naman ako lawyer. Posibleng may mga hindi ako naiintindihang legal terms at posibleng hindi ko rin alam ang mga konteksto ng mga bagay bagay tungkol sa batas.

Pero, ang gusto ko lang i-point out is that may isang batas pero iba’t iba ang implementing rules. May magandang hangarin ang batas pero nagkakaiba sa implementasyon nito, depende kung sino ang DOLE Secretary. Hindi ko sinasabi kung sino ang tama o mali sa kanila. At hindi ko rin sinasabi na mali ang Articles 106 to 109 ng Labor Code of the Philippines.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *