Ano ang Katotohanan sa Audit Logs na Tinatalak ng Kampo ni BBM?

Ano ang Katotohanan sa Audit Logs na Tinatalak ng Kampo ni BBM?

Puro talakathon ang kampo ni BBM eh puro kasinungalingan naman! BBM is deceiving the public. Tsk

Wala ang Audit Logs sa Loob ng Ballot Boxes

Ayon kay Atty Gregorio Larrazal, dating COMELEC commissioner, sinasabi ng election laws na ang paper audit logs ay kelangang isumite sa mga election officers at hindi dapat ilagay sa ballot boxes.

Sa isang panayam ng Dobol B, sinabi ni Atty Larrazabal, “Ang printout, the procedure is that ‘yung teachers, dapat ibigay ‘yan sa election officer. Hindi dapat ilagay sa ballot box ‘yan. Dapat ibigay sa election officer.

Ang audit logs ay record ng lahat ng activities ng VCM o vote-counting machine. Kasama sa record na ‘to ang oras ng pagbubukas at pagsasara ng presinto, at oras kung kailan ipinasok ang bawat balota sa VCM.

Inihalintulad ni Atty Larrazabal ang audit log sa isang black box ng eroplano. Ang COMELEC Central Office ay merong mga soft copies ng lahat ng audit logs ng lahat ng VCMs.

Ayon kay Larrazabal, “Kung sabihin ng election officer, nawawala po ‘yung audit logs, pwede pong mag-print out du’n. Mag-request ka lang sa Comelec, sa main office, as long as may approval ng en banc, they will print out an audit log for you.”

Tungkol sa paratang ni BBM na may “missing” audit logs, sabi ni Atty Larrazabal, “They should have requested a copy of the audit log from the election officer. Kung hindi, mag-request ka sa main office para mag-print out sila para sa inyo ng bagong audit log na exact copy sa print-out.”

Ang Kaso ng mga Basang Balota

Ipinaliwanag ni Atty. Larrazabal na hindi optimal conditions ang storage units ng mga ballot boxes matapos ang election.

Ayon kay Larrazabal, “Iba-iba ‘yung pinaglagyan nila. Ang sinabi nilang nabasa — I think they should check kung bakit nabasa.”

Ano ang Problema pag Nasira ang Mismong Balota?

Ang problema kung nasira ang mga balota ay hindi na narerecord ng mga VCMs ang rejected ballots na itinatago sa ibang envelopes.

Ayon kay Larrazabal, “Wala nang digital ballot images ‘yan; you cannot claim ballot rigging sa rejected ballots kasi sa revision of ballots, one of the key elements there is magke-claim ka ng ballots that were rejected as your own.”

Ang Kaso sa Undervoting

Nagkakaroon ng undervoting kung ang isang botante ay hindi bumoboto sa ibang positions o bumoboto ng mas marami sa allowed number of candidates para sa isang posisyon.

Halimbawa, 12 ang kelangang iboto bilang Senador pero ung botante eh 13 ang ibinoto. O kaya naman, hindi bumoto ang isang botante sa posisyon ng Vice President o iba pang posisyon.

Ayon kay Larrazabal, posibleng nag-undervote ang isang botante dahil hindi nito na-shade nang buo ang oval na katabi ng kanyang napiling kandidato.

Ayon din kay Larrazabal, “The statistics is that it’s twice the number of undervotes for vice president, vice governor, and vice mayor as compared for mayor.”

Ngunit, ayon din sa kanya, hindi naman dapat isantabi ang reklamo ng kampo ni BBM tungkol sa mataas na statistics ng undervoting. Kailangang ma-check daw ang mga balota. Sa likod ng mga balota, may interpretation ng boto. Mayroon ding reports na nagsasabi kung mali ang pag-interpret ng VCM ng mga balota.

Di na-inform si BBM! Siguro dapat isaisip nya ang sinabi ng nanay-nanayan ni Grace Poe: “Wag mahihiyang magtanong… may RITEMED ba nito?”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *