Ano ang Inirereklamo ng DDS media kung may Guidelines naman sa Pag-Fact Check ng Fake News?

Ano ang Inirereklamo ng DDS media kung may Guidelines naman sa Pag-Fact Check ng Fake News?

May mga umuusok ang ilong sa galit simula nung ma-appoint ang Rappler at Vera Files bilang Fact Checkers sa FB. Bakit kaya?

Nakipag-partner ang Facebook sa Rappler at Vera Files

Tumambad ang balitang ang Rappler at Vera Files na ang 3rd-party Fact Checker ng Facebook para sa Pilipinas dahil sila ay dumaan sa sertipikasyon ng International Fact-Checking Network. Ang Rappler at Vera Files ay magsusuri ng mga news stories na pino-post sa Facebook. Sila ay magsusuri ng facts at magbibigay ng rating tungkol sa accuracy ng news story.

Ano ba ang Proseso ng Fact Checking?

Kung na-flag ang isang news story as FAKE NEWS, susuriin ng Rappler at Vera Files kung totoo ngang fake news ito. Pagkatapos, pag na-flag na fake news nga, hindi ito makikita ng maraming tao dahil mailalagay ito sa ibaba ng news feed.

Pag itong fake news na ito ay na-share ng isang tao, makakatanggap sya ng notification na fake news ito.

Ganun din, magsusulat din ang Rappler at Vera Files ng mga artikulo para magbigay ng konteksto at maipaliwanag kung bakit fake news ang isang post.

Kung patuloy na nagse-share ng fake news ang isang FB page, mababawasan ang kanilang post distribution at hindi na nila ma-advertise at ma-monetize ang kanilang mga posts.

Ano ba ang Qualification ng Rappler at Vera Files para maging FB Fact Checkers?

Ang Rappler at Vera Files ay mga myembro ng International Fact Checking Network ng Poynter Institute. Certified sila at pumasa sa “rigid and structured guidelines” ng IFCN.

Ayon sa IFCN, ang mga accredited “fact-checkers must exhibit a commitment to nonpartisanship and fairness, transparency of sources, transparency of funding and organization, transparency of methodology, and a commitment to open and honest corrections.”

Ayon kay Vera Files President Ellen Tordesillas, “One of the requirements for an IFCN accreditation is non-partisanship and fairness.”

Sa statement naman ng Rappler, sinabi nitong, “It’s a responsibility, not a privilege. We accepted it because, along with you, we’ve seen how lies have ripped us apart as a society, fomenting hate and anger.”

Ano ba ang FB Fact-Checking Program sa Pilipinas?

Bilang 3rd-party fact checker, ang Rappler at Vera Files ay nagsusuri at nagbibigay ng accuracy rating sa mga website articles na nase-share sa Facebook.

Tatlo ang posibleng rating na maibigay sa isang website article:

  1. FALSE kung hindi accurate ang sinasabi sa artikulo
  2. TRUE kung accurate ang artikulo
  3. MIXTURE kung misleading, pinagsamang accurate at inaccurate information, o unproven ang sinasabi ng artikulo

Pwede ring NOT ELIGIBLE kung may mga information na kelangan ng additional context.

Walang kakayahan ang Vera Files o Rappler na mag-block ng mga FB Pages na nag-share ng fake news.

Kapag na-flag na false news ang isang artikulo, ilalagay ng Facebook ang post na ito sa ilalim ng news feed kaya hindi ito mababasa ng maraming FB users. Ganun din, hindi na makakapag-advertise at monetize ang mga FB pages na madalas mag-share ng false news.

May notification din ang FB user na nag-share ng false news at pinapadalhan sya ng links ng related articles ng Vera Files at Rappler.

Independent ang Vera Files at Rappler. Ibig sabihin, wala silang pakialaman. Walang cross-checking na nagaganap sa pagitan nila.

Ang Rappler at Vera Files ay CERTIFIED ng International Fact-Checking Network. Sila ay sumusunod sa code of principles ng IFCN, kasama na dun ang kanilang commitment para sa isang open at honest corrections.

Some people are demonizing Rappler and Vera Files. Nauuto ang ibang Pilipino. Pero, kung babasahin lamang nila kung ano ang proseso at kung paano naging fact checkers ang Rappler at Vera Files, malalaman nila ang totoo.

Kung gusto ng DDS media na maging fact checkers din sila, magpa-certify muna sila sa International Fact-Checking Network.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *