Ano ang Ginagawa ng mga Factory Workers at Marcos Loyalists sa PDP-Laban Convention?

Ano ang Ginagawa ng mga Factory Workers at Marcos Loyalists sa PDP-Laban Convention?

Nag-field trip sa Amoranto Stadium?

Pimentel: Di Awtorisado ang Pagpapalit ng Liderato ng PDP-Laban

Iginiit ni PDP-Laban President and Senator Koko Pimentel na sya pa rin ang lider ng partido.

Libo libong myembro ng PDP-Laban ang dumalo sa National Assembly nito sa Amoranto Stadium. Inihalal ng National Council si Chairman Rogelio Garcia bilang Pangulo ng partido. Dahil sa eleksyon ng mga bagong opisyal, natanggal bilang president si Pimentel at si Alvarez bilang secretary-general.

Ngunit, ipinagkibit balikat lamang ito ni Pimentel.

Ayon sa kanya, hindi awtorisado ang pagtitipon at ginagamit lamang ang pangalan ng PDP-Laban. Parurusahan ang mga myembro ng National Council nang naaayon sa batas.

Si Pimentel pa rin ang president ng partido. Walang paraan ang mga dumalo sa National Assembly para agawin ang kapangyarihan.

Magkakaroon ng imbestigasyon para malaman kung sino ang nasa likod ng di awtorisadong pagtitipon. Isang makapangrihang tao ang nasa likod nito dahil nakapagrenta ito ng stadium at nakapagdala ng mga regional leaders sa Maynila sa pamamagitan ng tourist buses.

Ikinaila ng bagong pangulo ng PDP-Laban ang akusasyon ni Pimentel. Wala raw silang backer at hindi sila mga rogue members dahil mga lehitimong myembro sila ng partido bago pa man naging senador si Pimentel.

Samantala, ininterbyu ng CNN Philippines ang ilan sa mga taong dumalo sa pagtitipon. May mga umaming di sila myembro ng partido. Mga factory workers sila sa Bulacan na pinangakuan ng pera. Ung iba naman ay mga Marcos loyalists na pinakiusapang dumalo para sumuporta sa pagtitipon.

Ang gulo gulo ng mga pulitiko ngayon. Parang mga nakakawala sa koral, aba?!

Teka! Sino ang nangako ng pera dun sa mga factory workers galing ng Bulacan?

 

Source:

CNN Philippines Staff. (2018, July 27). PDP-Laban event, change of leadership ‘unauthorized’ – Pimentel. CNN Philippines. Retrieved from http://cnnphilippines.com/news/2018/07/27/PDP-Laban-party-President-Koko-Pimentel.html