Ang Swerte ni Dennis Uy! Sya na sa 3rd Telco, Sya pa rin sa Oil Contract?

Ang Swerte ni Dennis Uy! Sya na sa 3rd Telco, Sya pa rin sa Oil Contract?

Umiinom ba si Dennis Uy ng San Miguel Beer? Iba ang may pinagsamahan. San Miguel Beer!

Denniy Uy at China National Offshore Oil Corporation, Posibleng Makuha ang Liquefied Natural Gas Import Terminal Contract

Ang Phoenix Petroleum ni Dennis Uy at China National Offshore Oil Corporation ay nagsanib pwersa para sa pagtatayo ng liquefied natural gas import terminal sa Batangas.

Sa ngayon, ang team up pa lang nila ang nag-iisang aplikante para sa kontrata.

Ayon kay DOE Undersecreatry Donato Marcos, malapit nang matapos ang pagsusuri ng application nina Dennis Uy.

10 araw ang hinihiling ng DOE para pag-aralan ang proposal na tinawag na “Tanglawan Phillippines LNG Incorporated.”

Magtatayo ang Tanglawan ng LNG hub na mayroong initial capacity na 5 tons per year sa dalawang lugar sa Batangas. Aabutin ng halos US$2B ang proyekto at may kapasidad na higit sa 1,000 megawatts.

Ang Tanglawan ay isa sa 23 kumpanya na nagsabing interesado sila sa pagtatayo ng liquefied natural gas terminal sa Pilipinas.

Ngunit, ito pa lang ang nagsumite ng application.

Matatandaang binili ni Dennis Uy ang 340 million share ni Manny Pangilinan sa PXP Energy noong Oktubre.

Ang pondong nalikom ng PXP Energy ay gagamitin para pondohan ang oil exploration activities.

Ganun din, ang holding firm ni Uy na Dennison Holdings Corporation ang may preferential rights sa PXP Energy at may 49% interest sa joint venture ng Tanglawan para sa LNG terminal.

Ganun din, sinabi ng PXP Energy na interesado sila sa oil exploration activities sa West Philippine Sea.

Namamayagpag si Dennis Uy ah. Congratulations! Har har har

 

 

Source:

Rivas, R. (2018, November 23). Dennis Uy, China firm may bag major oil contract.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/business/217362-dennis-uy-cnooc-lng-hub-department-of-energy-deal