Alan Peter Cayetano: 2nd Rate, Trying Hard Diplomat

Alan Peter Cayetano: 2nd Rate, Trying Hard Diplomat

Si Cayetano ay kilalang talakitok kahit noon pa. Paanong naging DFA Secretary ang talakitok?

Cayetano VS Enrile Word War

January 2013. Matatandaang nasangkot sa word war si Alan Peter Cayetano at si dating Senate President Juan ponce Enrile. Nadamay pa ang namapayang si Senator Renato Cayetano.

Sa isang privilege speech ni Cayetano, topic nya ang di pagtanggap ng cash gifts ng mga Senador na kritiko ni Enrile pero naging personal na ang atake.

Ayon kay Cayetano: “Bakit ba kayo inis at galit sa akin personally? Dahil dati na po kayong galit sa akin sapagkat napakalapit po ninyong dalawa ni Atty Gigi sa dating Pangulong GMA at kay First Gentleman. Kasama naman po talaga kayo noon ‘di ba, sa planning group at sa asar na isang katulad ko ay pwedeng tumayo sa Kongreso at labanan sila. At diba si Ma’am Gigi, best friend po niya ang asawa ni Justice Tinga na nakalaban ng asawa ko sa Taguig. At ang hipag naman ni Ma’am Gigi o sister-in-law niya ay isang konsehal sa Taguig na number 1 kritiko ng aking asawa. So every time may hearing dito, pati si Chairman Brillantes, sa inyong opisinang diretso, ako ang inuupakan at minsan tinutulungan niyo pa kaya nagkakasagutan tayo.”

Di na rin nakatiis si Enrile kaya naidamay na rin ang utang ng yumaong Renato Cayetano sa law office ni Enrile na nagkakahalaga ng 37M pesos.

Sabi ni Enrile, “Tungkol sa iyong yumaong ama. Nandito hanggang ngayon, ‘di nabayaran utang niya na ginastos sa opisina namin na tinayo ko para may pakain sa pamilya niya, P37M.”

Dahil sa intense na ang sagutan, hiniling ni Senator Franklin Drilon na i-suspend ang session.

Pero, sumabat pa rin si Enrile, “Let me address the budget. I won’t go down to the gutter.”

Kaya sumagot na rin si Cayetano, “You already went to the gutter. Your chief of staff has already gone to the gutter. This is irrelevant to our discussions here and you’re bringing up things where a person who’s already dead cannot answer.”

Cayetano VS Trillanes Word War

September 2016. Hindi naman ito ang unang beses na nagsabong si Cayetano at Trillanes.

Sa privilege speech ni Senator Antonio Trillanes IV para ipagtanggol ang kredibilidad ni Edgar Matobato, nag-interpellate si APC. Inakusahan nila ang bawat isa na dealing in half-truths at pag-attempt na umiwas sa heated discussion.

Sabi ni Cayetano, “I bring up the doctrine or the concept of half-truths because this is what criminals use and this is what people na naninira or people who want to destroy the credibility of others use.”

Sinagot naman sya ni Trillanes, “I would rather concede and accept the argument of the senator because apparently he may be following the doctrine of it takes one to know one.”

Ipinagtatanggol kasi ni Trillanes si Matobato sa paratang ni Cayetano na inconsistent ang statements ni Matobato.

Ayon kay Cayetano, “I asked that he be interpellated kung tatakbo siya, ayaw na niya magpainterpellate that’s his call.”

Sagot naman ni Trillanes, “If the gentleman keeps on saying that i would want to run away, if you will recall when I sat beside him during the hearing he was the one who ran away.”

Matatandaan kasing napikon si Cayetano sa isang hearing ng Senate Committee on Justice kung saan sinabihan sya ni Trillanes nang, “Hindi kita papo-pormahin.” Napilitang umiba ng upuan si Cayetano dahil sa inis nya kay Trillanes.

Sabi ni Cayetano, “Sabi niya sa akin pa-Bibile-Bible ka pa evil naman yung pinoprotektahan mo. But for the record anytime anywhere, hindi kita nun aatrasan e.”

Cayetano VS Trillanes Word War

January 2017. Nagpang-abot na naman ang dalawang senador. Sinabi kasi ni Senator Trillanes na ang ibang senador na kasama sa majority bloc ay nagpaplanong tanggalin sa pwesto si Senator Koko Pimentel bilang Senate President.

Ayon kay Trillanes, “Probably Senator Cayetano is making a move to topple Senator Pimentel as Senate President.”

Dagdag pa ni Trillanes, “I wasn’t born yesterday. I’m not a hardcore politician, but I can read these things.”

Bwelta naman ni Cayetano, “Si Sen. Trillanes lang ang kaisa-isang Senador na nagsasabi nyan because sya lang nagiisip nyan (Sen. Trillanes is the only senator to say those because he is the only one who has those thoughts).”

Sabi ni Cayetano sa mga reporters, “I am not attempting and I do not have any plans to get the leadership.”

Dagdag pa nya, “I can prove I’m not hungry for power by leaving the Senate now and helping in a private capacity. Can he do the same? Can he leave the Senate now?”

Sa text message naman ni Trillanes sa CNN Philippines, sinabi ng senador, “Siya na mauna kasi siya yung nangako na magreresign kung hindi masolve ang crime, corruption, at illegal drugs within 3 to 6 months (He should resign first because he was the one who promised he would resign if crime, corruption, and illegal drugs are not solved within three to six months).”

Cayetano VS De Lima

August 2016. Nagpatutsada si Cayetano na kelangang mag-inhibit si Senator Leila de Lima sa imbestigasyon tungkol sa EJK.

Sabi ng Senadora, “No, why should I. I’ll rather that the people judge me on whether­ or not I am being objective in the conduct of ­inquiry. I not gonna face that to the opinion of someone whose evidently been the defender and apologist of the President in the Senate. Sino ang bias sa amin? Siya nga ang very bias in favor of the ­administration,”

Cayetano VS Gordon

February 2009. Bangayang Cayetano VS Gordon. Ito ay dahil sa pagiging protector ni Gordon kay dating Pangulong Gloria Arroyo.

“Mas masahol pa kaysa kay Pontio Pilato”, ang tawag ni Cayetano kay Gordon.

“Askal” at “bata-batuta” naman ang tawag ni Gordon kay Cayetano dahil sa pahayag ni APC na hindi sya pumapayag sa report na inilabas ng Blue Ribbon Committee kung saan si Gordon ang Chairman. Nalinis kasi ang pangalan ni GMA tungkol sa 728M pesos fertilizer fund scam.

Marami pang beses na naging talakitok si APC. Mauubos lang ang oras ko kaka-research.

Isa lang naman ang gusto kong tumbukin: Ang taong hobby ang talakathon, di marunong ng diplomasya. So, bakit naging DFA Secretary si Cayetano?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *