Acosta, Umaming si Duterte ang Nag-utos na Murder ang Isampang Kaso sa Dengvaxia

Acosta, Umaming si Duterte ang Nag-utos na Murder ang Isampang Kaso sa Dengvaxia

Nasaan ang intent to kill don ha?

Acosta: Tama si Duterte. Murder Dapat ang Kaso.

Ayon sa hepe ng Public Attorney’s Office, pinayuhan sya ni Duterte na murder ang ikaso sa mga taong may kinalaman sa isyu ng Dengvaxia.

Ang PAO ang representative ng mga pamilyang nagreklamo for reckless imprudence resulting to homicide.

Pero, pinag-aaralan ni Acosta kung iaangat sa murder ang mga kaso. On hold daw muna ang plano habang hinihintay ng nila ang desisyon ng prosecution sa unang naisumiteng kaso.

Ayon kay Acosta, “Tama po ang payo sa akin ng isa nating pinakamataas ng opisyal ng pamahalaan, murder itong kaso dapat dito.”

Nang tinanong kung sino ang pinakamataas na opisyal, sabi ni Acosta, “[Si] Pangulong Duterte. Sabi niya sa’kin, dapat murder.”

Nang hingan pa nang mas malinaw na pahayag, sinabi nitong nasabi nya ang dapat ay confidential information.

Pero, di raw naman babanggitin ng PAO ang statement ni Duterte sa mga pleadings nito sa DOJ.

Kahit naman di banggitin ni Acosta sa pleadings, sinabi naman nya sa publiko. So, si Duterte ba ang nasa likod ng pagdidiin sa mga taong inaakusahan ng PAO?

 

 

Source:

Lagrimas, N.-A. C. (2018, November 15). Duterte urged filing of murder raps over Dengvaxia mess —Acosta.

Retrieved from GMA News Online: http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/674866/duterte-urged-filing-of-murder-raps-over-dengvaxia-mess-acosta/story/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *