Philippine Army: Militar Kayo Hindi Photoshop Editor

 Napakaraming alibi. Ang totoo, peke ang mga larawan na inilabas ng Philippine Army.

Lorenzana pinapaimbestigahan ang manipulated NPA photo

Inutusan ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana si Army chief Lt. Gen. Gilbert Gapay na magpasimula ng imbestigasyon tungkol sa distribusyon ng mga pekeng larawan ng 306 na mga diumano’y sumukong myembro ng New People’s Army (NPA) noong Huwebes, December 26, sa Masbate. Naging viral ang mga minanipulang litrato at kinuwestyon ang mga aktibidades ng gobyerno laban sa mga rebelde. Basahin...