Magsasakang Pilipino, Nasaan Nga Ba Sila?

Matapos pahirapan ang mga magsasakang Pilipino, pinag-aaralan naman ng NEDA kung saan sila napunta.

NEDA: Pinag-aralan ang pagbagsak ng bilang ng mga magsasakang Pilipino

Maliit lamang ang kinikita ng mga magsasaka. Sa isang tubuhan, posibleng kumita lamang ng 10,000 piso sa isang buong anihan. Kadalasan, matatanda na lamang ang natitira sa agrikultura dahil nga sa liit ng kita. Ganun din, natitigil din sila kapag sila’y nagkasakit kung kaya konti na lamang ang mga natitirang magsasaka. Basahin...

Ano ang Ginagawang Paghahanda sa Trade War?

May mga paghahanda sa trade war ng US at China na pinaplano ang NEDA at DTI.

DTI at NEDA may paghahanda sa trade war

Ibig ng Department of Trade and Industry (DTI) at National Economic Development Authority (NEDA) na makakuha ng mas maraming foreign investment sa kasagsagan ng alitan sa pagitan ng US at China. Ganun din, naghahanda sila sa pagpapabuti ng proseso ng pag-apruba, mas malalim na pagsasama-sama sa rehiyon, at pagtulong sa mga maliliit at mga nagsisimulang negosyo na maging matagumpay. Basahin...

Philippine GDP Sablay Noong 2nd Quarter 2019

Philippine GDP mas mababa pa kesa noong first quarter. 5.5% lamang ang naitala.

Mas mababa kesa inaasahan ang naitala ng Philippine GDP

Naitala ng Pilipinas ang pinakamabagal nitong paglago sa loob ng apat na taon noong April – June, 2019. Inaasahan ngayon na ibaba pa ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rate nang 0.25%. Basahin...