Ano ang Epekto ng African Swine Fever sa Tao?

Dumarami na ang lugar na may African swine fever. Pati sa Quezon City ay meron na rin nito.

Ano ang African swine fever?

Ang ASF, ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS), ay isang nakakahawang sakit na nakakaapekto sa mga baboy. Kapag tinamaan ng ASF ang isang baboy, mawawalan ito ng ganang kumain at magkakaroon ng mataas na lagnat. Magdurugo ang balat nito, pati na rin ang mga lamang loob. Sa pagitan ng dalawa hanggang sampung araw, mamamatay na ang baboy. Wala pang nadidiskubreng gamot para rito. Basahin...