Susunugin Tayo nang Buhay ng Pederalismo

Susunugin Tayo nang Buhay ng Pederalismo

Mas maghihirap ang mga mahihirap at mas yayaman ang mga mayayaman sa pederalismo.

Hindi Talaga Pwede ang Pederalismo

Kung yayakapin ng Pilipinas ang pederalismo, mapupunta lamang ito mula sa kawali papuntang apoy.

Ayon sa mga ekonomista ng UP, mas lalala lamang ang kahirapan at mas lalaki ang agwat ng mga mayayaman at mahihirap.

Sa isang paper na sinulat nina UP economists Raul Fabella at Sarah Lynne Daway-Ducanes, sinabi nilang hindi totoo ang sinasabi ng mga pro-federalism na mababawasan ang paghihirap at magiging pantay pantay ang mga Pilipino.

Ayon sa kanilang pag-aaral, malakas ang katibayan na mas lalala ang agwat ng mayaman at mahirap sa pederalismo.

Hindi napatunayan na mababawasan ang kahirapan, bagkus lalala pa ito.

Ginamit na datos sa pag-aaral ang 105 ekonomiya sa buong mundo sa loob ng 3 dekada na nagpatupad ng pederalismo.

Si Fabella ay dating dean ng UP School of Economics at kasalukuyang UP professor emeritus. Nakatanggap sya ng “National Scientist of the Philippines” award noong 2011.

Bagama’t posibleng hindi angkop ang resulta sa isang partikular na bansa, ngunit kailangan pa rin itong pagtuunan ng pansin.

Natatangi ang Pilipinas sa East Asia sapagkat kahit na kasama ito sa East Asia, hindi naman maituturing na East Asian ang kanyang performance lalong lalo na sa loob ng 3 dekadang nagdaan.

Nagkaroon ng pag-aaral sapagkat nais nitong patunayan kung mas mapapabuti ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng pederalismo.

Hindi maaaring magkaroon ng malawakang pagbabago sa klase ng gobyerno nang walang sumusuportang datos para rito.

Dahil sa karagdagang kapangyarihan sa mga local government officials, posibleng madagdagan o mabawasan ang pananagutan nila.

Ayon sa research na ginawa ng dalawang UP economists, kapag mahina ang mga institusyon, maraming tao ang naniniwalang ang karagdagang layer ng bureaucracy mula sa pederalismo ay makakalusaw sa pananagutan at magiging dahilan ng paglakas ng korapsyon.

Ang ganitong mga pangyayari ay naganap na sa Sudan at Nigeria. Hindi nakaya ng dalawang bansang ito na solusyunan ang malalang kahirapan sapagkat di naging epektibo ang pamamahala ng ekonomiya.

Sa US, hindi pa rin napatunayang naging inclusive nga sa ilalim ng pederalismo.

Hindi rin napatunayan sa mga European countries na ang decentralization ng kapangyarihan ay nakapagpabawas ng inequality ng mga mayayaman at mahihirap.

Ang mga bansang nagbigay ng kapangyarihan sa mga rehiyon nila ay nagpakita ng mas mataas na antas ng inequality.

Kung walang datos na nagpapatunay na mangyayari ang inaasahan sa pederalismo, bakit nagpupumilit pa ring ipatupad ito?

 

 

Source:

Dumlao-Abadilla, D. (2018, September 17). Shift to federalism bucked.

Retrieved from Inquirer: https://business.inquirer.net/257339/shift-federalism-bucked