Sorry, GMA! Walang Panahon ang Senado Para sa Charter Change

Sorry, GMA! Walang Panahon ang Senado Para sa Charter Change

Busy sila, Aleng Gloria!

Senado, Walang Panahon sa Charter Change

Ayon kay Senate President Tito Sotto, wala nang panahon para pag-usapan ng mga senador ang draft federal charter.

Matatandaang naaprubahan na sa second reading ang nasabing federal charter kamakailan.

Ayon kay Sotto, kung mabilis lamang naipasa ng House of Representatives ang budget, sana may panahon pa silang pag-usapan ang federal charter.

Matatandaang may sariling bersyon ang House of Representatives ng federal charter. Inaasahang maipapasa ito sa 3rd reading sa Lunes.

Ang bersyon ng Kamara ay iba sa bersyon ng Consultative Commission ni Duterte.

Walang probisyon sa bersyon ng House ang pagba-ban sa political dynasties at limitasyon sa congressional terms.

Ayon kay Arroyo, dumaan sa democratic process ang draft federal charter ng House. Nagkaroon daw ng debate.

Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, kung sa loob mismo ng rehimeng Duterte, di sila magkasundo sa kung ano ang papalitan sa Saligang Batas, bakit kailangang ipagpilitan ito sa publiko.

Mas makakabuting sa susunod na Congress na lamang pag-usapan ang Charter Change, kapag di na House Speaker si Arroyo.

 

 

Source:

Aguinaldo, C. A. (2018, December 5). Senate says no time for charter change.

Retrieved from Business World: https://www.bworldonline.com/senate-says-no-time-for-charter-change/