Pulse Asia: Mas Maraming Pilipino ang Ayaw na Palitan ang Saligang Batas

Pulse Asia: Mas Maraming Pilipino ang Ayaw na Palitan ang Saligang Batas

Sa totoo lang, mga pulitiko lang naman ang may gusto na baguhin ang Saligang Batas.

Mas Maraming Pilipino ang Ayaw sa Pagbabago ng Konstitusyon

Kumpara noong March 2018, mas marami ang ayaw na baguhin ang Saligang Batas noong June 2018. Sa Mindanao lamang dumami pero sa ibang parte ng Pilipinas ay mas kumonti.

Ganun din, sa lahat ng social classes sa Pilipinas ay mas dumami rin ang ayaw na baguhin ang Konstitusyon.

Pansinin na malaki ang ibinaba ng may gusto sa pagbabago ng Konstitusyon sa Kalakhang Maynila at sa Class E o laylayan ng lipunan.

 

Dumami nang Bahagya ang Gustong Magpalit ng Sistema ng Gobyerno para maging Pederalismo

Kumpara noong March 2018, tumaas ng 1% ang may gustong umiral ang pederalismo sa Pilipinas. Malaki ang itinaas ng bilang ng may gusto sa Pederalismo sa Mindanao. Ngunit, malaki naman ang ibinaba ng may gusto sa pederalismo sa Kalakhang Maynila.

Sa social classes, mas marami ang may gusto sa pederalismo sa ABC classes.

Nakakaloka lang. Dumami ang ayaw magpalit ng Saligang Batas PERO dumami rin ang may gustong magpalit ng sistema ng gobyerno para maging pederalismo.

Paano kaya gagawin yan? Ung sagot ay nasa Pulse Asia survey din.

 

Mas Marami ang Konti o Walang Alam sa Umiiral na Saligang Batas

Makikita sa graph na sa lahat ng lugar sa bansa at maging sa lahat ng social classes, mas marami ang konti o walang alam sa 1987 Constitution.

Iniisip ko na kaya ayaw nilang magbago ng Saligang Batas ay dahil sa hindi nila alam kung ano ito. Ganun din, dahil wala silang alam, di nila alam na ang paglipat sa pederalismo ay nangangahulugan ng pagbabago ng Saligang Batas.

Tinitingnan ng mga Pilipino na separate cases ang pagbabago ng Saligang Batas at paglipat sa pederalismo. Kaya, bagaman mas marami ang ayaw sa pag-amyenda ng 1987 Constitution, dumami nang bahagya ang gusto sa pederalismo.

So, I think, the challenge now ay ipaliwanag sa mga Pilipino na kapag nag-shift sa pederalismo ay kailangang baguhin ang Saligang Batas. Kung ayaw nilang baguhin ang 1987 Constitution, wag silang pumayag sa pederalismo.

Posible kasing mangyari na darating sila sa polling place na ang isipan ay shift to pederalism lamang ang pagbobotohan. Di nila alam na inherent sa shift sa pederalismo ang pagbabago ng Saligang Batas.

Ipaliwanag natin na pag ibinoto ang pederalismo, mga ordinaryong Pilipino ang talo.

 

Source:

“June 2018 Nationwide Survey on Charter Change”. (2018, July 16). Pulse Asia Research. Retrieved from http://www.pulseasia.ph/june-2018-nationwide-survey-on-charter-change/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *