Patay na nga ba ang Pederalismo?

Patay na nga ba ang Pederalismo?

Saan ang burol? Kelan ang libing?

Galawang Gloria at Inday Sara na!

Kahit na hinimok ni Duterte ang Kongreso na ipasa na ang Federal Charter noong ika-tatlong SONA, napansing malamya naman ang pagkasabi nya rito. Hindi katulad ng mga salitang binibitawan nya tungkol sa korapsyon at drug war.

Mukhang patay na nga ang pederalismo.

Unang una, wala naman talagang suporta para rito. Ni hindi nga alam ng maraming Pilipino kung ano ito.

Pangalawa, sa araw ng SONA, natanggal pa si Pantaleon Alvarez, ang pinakamabangis na tagapagsulong ng pederalismo. Napalitan sya ni Arroyo na tila hindi naman ganun kaigting ang kagustuhang mapabilis ang pagbabago ng Saligang Batas.

Pangatlo, masyadong kritikal ang mga economic managers ni Duterte tungkol sa pederalismo. Ayaw din ng mga negosyante at iba’t ibang organisasyon dito.

Pang-apat, mukhang naibsan ang di pagkagusto ng mga rehiyon sa “Imperial Manila” dahil sa nagdesisyon ang Korte Suprema na lakihan ang share nila sa national taxes.

Pero, patuloy pa rin ang pagsusulong ng Malacañang sa pederalismo. Ito ay isa na namang ehemplo ng pagiging matigas ng ulo at diktador ni Duterte. Kung ano ang magustuhan, yun ang ipipilit.

Pero, umuusad na rin ang Plan B kung di nyo napapansin.

Ang pagsusulong ni Duterte ng pederalismo ay posibleng dahil ayaw nyang makulong matapos ang kanyang termino. Kapansin pansing yan na ang nagiging trend sa ngayon. Nakukulong ang mga nagiging pangulo.

Pero, mukhang nakakuha ng kakampi si Duterte kay Arroyo. Noong pangulo si GMA, sumubok din syang amyendahan ang Saligang Batas. Ito pa rin naman ang gusto nya. Ngunit, 9 buwan na lamang ang natitira sa kanyang pangatlo at panghuling termino bilang Congresswoman.

So, ano ang ginagawa ni Arroyo ngayon?

Una, isinaisantabi muna nya ang usapin ng pederalismo.

Pangalawa, naging abala sya sa usapin ng ekonomiya at sinusubukang punan ang mga di nagagawa at ayaw gawin ni Duterte.

Abangan na lamang natin kung ano ang mangyayari kina GMA at Duterte sa mga susunod na buwan.

Pero, umeeksena rin si Inday Sara. Ang kanyang Hugpong ng Pagbabago ay nagkaroon ng mga alyansa sa 9 na national at local political parties. Ito ang syang nagbukas para maging tahimik ang buhay ni Duterte sa Davao matapos ang termino nya.

Pero, sa larangan ng pulitika, may apat na taon pa si Duterte. Masyado pang matagal yun. Marami pang pwedeng mangyari.

 

 

Source:

Bernardo, R. L. (2018, September 2). End of the road for federalism?

Retrieved from Business World: http://www.bworldonline.com/end-of-the-road-for-federalism/

One thought on “Patay na nga ba ang Pederalismo?”

Comments are closed.