Paano Magkakaroon ng Plebisito para sa Pederalismo kung Wala Palang Budget?

Paano Magkakaroon ng Plebisito para sa Pederalismo kung Wala Palang Budget?

Napakagulo ng rehimeng Duterte talaga. tsk

COMELEC: Kailangan ng 6.8B Pesos para sa Plebisito ng Pederalismo

Ayon kay Comelec Chieff Sheriff Abas, walang pondo para sa plebisito kung ito ay gaganapin sa 2019.

Kailangan ng 6.8B pesos pero di ito naisama sa budget kaya di alam ng COMELEC kung saan kukuha ng pondo para rito.

Posible namang kumuha sa contingency funds ng ahensya, ngunit kailangan ng batas para mag-utos na doon kumuha ng pondo.

Susuriin ng COMELEC kung pwede nga silang kumuha ng pera sa contingency funds.

Ayon kay Senator Ping Lacson, patay na ang pederalismo at hinihintay na lamang ang cremation nito.

Magkakaroon ng isa pang plebisito ang COMELEC sa January 2019. Ito ay para sa Bangsamoro Organic Law. Humihiling ang COMELEC ng 857M para rito.

Bukod pa ito sa gugugulin para sa midterm elections sa May 2019.

Di rin kasi alam ng gobyerno kung isusulong nila ang pederalismo o hinde. Patuloy ang pag-iikot sa mga rehiyon pero di pa rin nag-convene ang Kongreso para pag-usapan ito.

 

 

Source:

Esmaquel, P. (2018, September 20). No budget for federalism plebiscite in 2019, says Comelec.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/212454-comelec-says-no-federalism-plebiscite-budget

One thought on “Paano Magkakaroon ng Plebisito para sa Pederalismo kung Wala Palang Budget?”

Comments are closed.