Monsod: Namamatay ang Demokrasya sa Pilipinas

Monsod: Namamatay ang Demokrasya sa Pilipinas

Papunta na tayo sa constitutional authoritarianism.

Monsod: Papunta na ang Pilipinas sa Constitutional Authoritarianism

Nagbabahala si dating 1986 Constitutional Commission member Christian Monsod na papunta na tayo sa constitutional authoritarianism.

Kitang kita ito sa bersyon ng federal constitution ng Consultative Committee ni Duterte.

Masyadong makapangyarihan ang transition president na posibleng maging si Duterte kung tumakbo sya sa snap elections. Magsisilbi syang transition president hanggang sa maaprubahan ang bagong Saligang Batas sa 2022.

Kung sino man ang papalit sa kanya, mayroon din itong labis na kapangyarihan hanggang tuluyang maisakatuparan ang pederalismo.

Sa federal charter ng ConCom, binawalan si Duterte na tumakbo sa 2022 elections. Ngunit, di naman ito binawalang maging transition president at transition vice president.

Pangungunahan ng Transition President ang Federal Transition Commission na may lahat ng kapangyarihan para masiguradong successful ang paglilipat sa pederalismo.

Ngunit, wala naman ang mga probisyon na ito sa naipasang bersyon ng House of Representatives. May garantiya na hindi ma-extend ang termino nina Duterte at Robredo.

Di rin pwedeng tumakbo si Duterte sa 2022. Pero, tinanggal nga ang term limits ng lahat ng opisyal ng gobyerno hanggang magkaroon ng eleksyon o appointment.

Banta sa Demokrasya

Pinansin din ni Monsod kung paano nadedesisyunan ang mga kasong legal ng mga nasa oposisyon gaya nina Senator Leila de Lima at ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Itinanggi naman ng Malacañang na nakikialam sila sa hudikatura.

Sa isang report ng US Intelligence Community, si Duterte ay isa sa mga lider sa Southeast Asia na malaking banta sa demokrasya at karapatang pantao dahil sa mga pinagsasabi nya gaya ng pag-suspend ng Constitution, pagdedeklara ng revolutionary government, at pagpapatupad ng Martial Law sa buong bansa.

Ang patuloy na extension ng Martial Law sa Mindanao kahit na 60 days lamang ang sinasabi ng Saligang Batas ay isang throwback sa 1972.

Noong panahon ni Marcos, martial law ang naisip nyang solusyon sa lahat ng problema ng Pilipinas.

Ang paniniwala ng mga Pilipino na “total powers” ang solusyon sa lahat ng problema ng bansa ang syang pumapatay sa demokrasya.

 

 

Source:

Gregorio, X. (2018, December 12). PH heading to ‘constitutional authoritarianism’ – expert.

Retrieved from CNN Philippines: http://cnnphilippines.com/news/2018/12/12/philippines-constitutional-authoritarianism-christian-monsod.html