MAISUSULONG KAYA ANG PEDERALISMO SA BAGONG SENADO?

Ano ang sinasabi ng bolang kristal ni Madam Auring?

Angara: Marami pang Dapat Ayusin para Isulong ang Pederalismo

Kahit na maraming senador na kaalyado ni Duterte ang nanalo, mahirap pa ring maipasa ang pederalismo sa lalong madaling panahon.

Marami pa kasing dapat pag-usapan. Kailangang ipaliwanag ang pederalismo sa mga tao.

Importante na malaman ng mga tao, lalo na sa grassroots kung ano ang advantages at disadvantages ng pederalismo.

Matatandaang isinusulong ni Duterte ang pagbabago ng Constitution para maipatupad ang pederalismo. Naniniwala sya na ito ang sagot para umunlad ang Pilipinas.

Ngunit, kahit na isinusulong ito ng Pangulo, hindi naman ito naging prayoridad ng Kongreso.

Ayaw ni Sara Duterte ng Pederalismo

Noong Abril, matatandaang sinabi ni Sara Duterte na hindi nya suportado ang pederalismo dahil palalakasin lamang nito ang mga warlords sa Mindanao.

Ayon sa kanya, mas dadami lamang ang resources at kapangyarihan ng mga Mindanao warlords.

Di tama na bigyan sila ng malaking kapangyarihan. Mas lalala lamang ang sitwasyon sa mga lugar dahil di pa sila handa na magkaroon ng mas maraming responsibilidad o kapangyarihan.

Walang opisyal na posisyon ang Hugpong ng Pagbabago hinggil sa pederalismo. Ipapaubaya na lamang ni Sara sa mga opisyal ang pagdedesisyon.

Posibleng Di na Kailangan ang Pederalismo

Matatandaang noong isang taon pa huling pinag-usapan ang pederalismo matapos magbuo si Duterte ng Consultative Committee para gumawa ng draft ng Federal Constitution kung saan hinati ang Pilipinas sa 18 rehiyon.

Marami ang pumuna sa ganitong plano lalong lalo na si DOF Secretary Carlos Dominguez III at Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia. Ayon sa kanila, masyadong malaki ang gugulin para isakatuparan ang pederalismo.

Gagastos para sa pagpapatayo ng mga karagdagang gusali, opisina, at pasahod sa mga empleyado. Wala na ring panahon para pag-usapan ng Kongreso ang pederalismo.

Di na rin naman nagbigay ng komento si Duterte hinggil sa usapin. Di rin naman sya nagsalita noong kinuwestyon nina Dominguez at Pernia ang pagkakaroon ng pederalismo. Di rin naman nya pormal na inendorso ang draft ng Federal Constitution sa Kongreso.

Isinulong ni Duterte ang pederalismo at ang Bangsamoro Autonomous Region. Ayon sa kanya, itatama ng Bangsamoro region ang anumang naitalang historic injustice sa mga Moro sa Mindanao. Agresibo nyang isinulong ito.

Maraming opisyal ng gobyerno ang naniniwala na isinulong ni Duterte ang pederalismo bilang backup plan kung sakaling di ipasa ng Kongreso ang Bangsamoro law.

Umuusad na ang pagpapatupad ng Bangsamoro Autonomous Region of Muslim Mindanao. Nabigyan na ito ng pondo kaya posibleng di na problema ang sinasabi ni Duterte na historic injustice.

Hindi na kelangang isulong ang reorganisasyon ng national government para sa isang sistema ng pederalismo.

Sources:

Esguerra, D. (2019, May 22). Angara: Federalism still has a long way to go. Retrieved from Inquirer: Angara: Federalism still has a long way to go

Manila Bulletin Editorial. (2019, May 1). A federal revamp may no longer be needed. Retrieved from Manila Bulletin: A federal revamp may no longer be needed

Ranada, P. (2019, April 25). Sara Duterte opposes federalism. Retrieved from Rappler: Sara Duterte opposes federalism