ConCom Atungal sa Pagpasa ng Federal Charter sa HOR?!

ConCom Atungal sa Pagpasa ng Federal Charter sa HOR?!

Asang asa kasi sila na ung bersyon nila ang papasa. Ngek!

CONCOM Usok Ilong sa Federal Charter ni Arroyo

Galit ang mga myembro ng Consultative Committee sa pagpasa ng House of Representatives ng sarili nilang bersyon ng federal charter na nagtatanggal ng term limits ng mga politiko.

Ayon kay ConCom member Fr. Ranhilio Aquino, bakit pa sila nagbasa, nag-aral, nagdebate, at nagtaltalan ng limang buwan kung iiisangtabi naman pala ito sa Kongreso.

Obvious ba na nabalewala ang bersyon ng ConCom?

Matatandaang ipinasa ng House of Representatives ang kanilang bersyon ng federal charter sa 3rd and final reading.

Sa bersyon nila, wala ng term limits ang mga myembro ng Kongreso, mapa-Senado o House of Representatives man. Ang bawat term ay tatagal ng apat na taon.

Sa 1987 Constitution kasi hanggang dalawang term lamang ang mga Senador at hanggang tatlong termino naman ang bawat congressman.

Sa Federal Charter ng House of Representatives, apat na taon ang termino ng Presidente at Bise Presidente at pwede silang tumakbo for reelection ng isang beses.

Sa 1987 Constitution, anim na taon ang termino nila at walang reelection.

Si Gloria Arroyo ang Makikinabang sa Pederalismo

Ayon kay dating Senate President Aquilino Pimentel Jr., pinapaboran ng bagong Federal Charter ang mga myembro ng koalisyon gaya ni Arroyo na syang may-akda ng batas.

Wala ang probisyon laban sa mga political dynasties, pati na rin ang term limits. Kaya, may hidden agenda ang pagpasa ng Federal Charter.

Ayon naman kay Mindanao professor Eddie Alih na myembro rin ng ConCom, expected naman na papasa ang bersyon ng House of Representatives dahil para iyon sa kanilang pansariling interes.

Self-Serving ang Bersyon ng HoR

Ayon kay Manila Auxillary Bishop Broderick Pabillo, self-serving ang probisyon na nagtanggal ng term limits sa mga myembro ng Kongreso at pati na rin ang pagpapatuloy ng political dynasties.

Sigurado ang pagkakawatak-watak ng Pilipinas sa paglilipat ng form of government sa pederalismo.

Ayon naman kay Balanga Bishop Ruperto Santos, nasa kamay ng bawat Pilipino kung papayagan nila ang pederalismo.

Hindi dapat ipilit o idikta ang pederalismo sa Pilipino.

Imposible na walang basbas ni Duterte ang pagsusulong ni Arroyo ng kanyang bersyon ng pederalismo. Alam nya yan. Pinayagan nya yan.

 

 

Source:

Servallos, N. (2018, December 13). ConCom outraged by House charter.

Retrieved from The Manila Times: https://www.manilatimes.net/concom-outraged-by-house-charter/481994/