CJ Puno, Kumusta ang Feeling ng Na-Duterte?

CJ Puno, Kumusta ang Feeling ng Na-Duterte?

Pag gising nya, iba na ang inaprubahang Federal Charter sa HoR.

Puno, Tinuligsa ang Panukalang Federal Charter ng House of Representatives

Di inasahan ni dating Chief Justice Reynato Puno na iisantabi ng House of Representatives ang kanyang federal charter.

Ayon sa kanya, ang panukalang charter ng House of Representatives ay para lamang sa interes ng mga kongresista.

Hinimok naman ng DILG na papanatilihin ng House of Representatives ang mga political at electoral reforms na nakapaloob sa panukalang federal charter ng Consultative Committee na pinamahalaan ni Puno.

Ayon kay Puno, di kasama sa charter ng Kongreso ang mga panukalang probisyon tungkol sa political dynasty at sa division of powers ng federal government at mga federated regions.

Sa ilalim ng draft charter ng House of Representatives, wala nang term limit ang mga mambabatas at di na ang Bise Presidente ang papalit sa Presidente kung sakaling may mangyari rito.

Umaasa pa rin si Puno na ang kanilang panukala ang gagamitin ng Kongreso.

Clueless si Puno. Naniniwala pa rin syang ang bersyon ng grupo nya ang mananaig. Tsk tsk tsk

 

 

Source:

Ramirez, R., & Tupas, E. (2018, October 13). Reynato Puno slams Congress’ proposed federal charter.

Retrieved from The Philippine Star: https://www.philstar.com/headlines/2018/10/13/1859660/reynato-puno-slams-congress-proposed-federal-charter

One thought on “CJ Puno, Kumusta ang Feeling ng Na-Duterte?”

Comments are closed.