Bakit Di Magtatagumpay ang Pederalismo sa Pilipinas?

Bakit Di Magtatagumpay ang Pederalismo sa Pilipinas?

Gagamitin lamang ito ng mga political dynasties para mapanatili sila sa pwesto.

Di Magtatagumpay ang Pederalismo Hangga’t May Political Dynasties

Maraming mga Pilipino ang nababahala sa planog pagpapalit ng Saligang Batas at pagpapatupad ng pederalismo.

Hindi naman ito nakakagulat dahil nababahala sila sa posibleng kontrol ng mga dinastiyang politikal sa Pilipinas.

Kung susuriin ang mga myembro ng House of Representatives, 14 ang Deputy Speakers. Nagkakaroon ng pagpapatunay ang takot na ang mga pyudal na pinuno ang maghahari sa mga federal states sa isinusulong na bagong republikang pederal.

Nakakalungkot lang na sa pag-aaral ng Ateneo School of Government, napatunayang dapat ngang mabahala ang sambayanan sa mga dinastiya.

  • 81% ng mga governors ay galing sa political clans
  • 78% ng mga congressmen at congresswomen ay mga dynasties din

Ginagawa nang family corporation ang politika sa bansa. Isang moro-moro na lang ang kumpetisyon sa politika sa LGUs.

Mapapansin na sa pamamayagpag ng mga political dynasties, short-term projects na lamang ang ipinapatupad nila, gaya ng basketball courts, waiting sheds, etc.

Pero, meron din namang kataliwasan.

May mga bagong politiko na galing sa political dynasties ang nagpapakita ng pagiging tunay na lider. Kahit na magalit ang pamilya nila, patuloy pa rin sila sa pagtataguyod ng mabuting pamamahala.

Ganun pa man, di na nagiging pamantayan sa serbisyo publiko ag accountability dahil ang kapangyarihan sa mga probinsya ay nasa iilang pamilya lamang.

Kaya nga, samu’t sari ang isyu ng graft and corruption sa lokal na pamahalaan. Marami ang nakabinbing kaso ng katiwalian sa Ombudsman.

Dahil sa walang accountability sa lokal na politika, nagkakaroon na sari-sariling diktadurya.

Monopolyo sa Ekonomiya

Dahil sa monopolyo sa kapangyarihan sa politika, nagkakaroon na rin ng monopolyo sa ekonomiya. Halimbawa, sa Kabisayaan, mahirap ng makakuha ng business permit para sa isang sikat na fast-food franchise.

Ayon sa mga residente, isang pamilya lamang ang nagmamay-ari ng franchise ng kakumpetensya ng fast food na ito. Pero syempre, kwento lamang ito. Isang kwento na posibleng nangyayari rin sa ibang lugar.

Ganun din, sa ilang pag-aaral, mayroong mababang uri ng pamumuhay, mababang pagpapabuti sa pagkatao, at mataas na kakulangan at di pagkakapantay-pantay sa mga distrito kung saan may mga political dynasties.

Mas nakakaalarma na ang mga political dynasties na maraming myembro ng pamilya sa politika ay galing din sa mga pinakamahihirap na lugar sa bansa.

Ang mas malala pa dyan, ang mga lokal na komunidad ay patuloy na nagdurusa dahil sa korapsyon at incompetence ng mga lider na galing sa political dynasties.

Kung mayroon mang mga lider na gusto ng reporma, di sila nananalo sa halalan dahil kalaban ang mga political dynasties.

Paano Magtatagumpay ang Pederalismo?

Sa bersyon ng Consultative Committee, ipinagbawal na ang political dynasties. May mga probisyon sa federal charter na tumukoy kung ano political dynasties.

Ngunit, binalewala naman ito ng mga kasalukuyang mambabatas.

Matatandaang sa isang resolusyon, nagkaroon ng panibagong panukalang federal charter na walang probisyon tungkol sa political dynasties.

Higit pa dyan, tinanggal din ang term limits ng mga mambabatas.

Kaya nga, paanong mapapaniwala ang taumbayan na maayos ang hangarin ng pederalismo kung di ipinagbabawal ang political dynasties?

Maliwanag na ang bersyon ng House of Representatives ay nang-hijack ng layunin ng pederalismo para lamang patuloy silang mamayagpag.

So, anong uri ng pagbabago ang maasahan sa isang pederalismo kung sila sila pa rin ang mamumuno?

 

 

Source:

Yusingco, M. L. (2018, November 24). [OPINION] Why federalism won’t work with political dynasties in power.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/thought-leaders/217007-opinion-federalism-wont-work-with-political-dynasties-in-power