Ano ang Garantiya na Magiging Mas Maayos ang Bawat Pilipino sa Pederalismo?

Ano ang Garantiya na Magiging Mas Maayos ang Bawat Pilipino sa Pederalismo?

243B pesos ang gagastusin ng gobyerno kada taon sa pagpapatupad ng pederalismo.

May Katwiran bang Gumastos ang Gobyerno ng 243B Pesos?

Kung sinoman ang pabor sa disiplina ng paggastos ay dapat bigyang pansin ang sobrang laking gagastusin ng Pilipinas sa planong paglilipat ng sistema ng gobyerno sa pederalismo.

Ayon sa NEDA, gagastos ang gobyerno ng karagdagang 243B taun-taon sa federalism transition. Ito ay higit sa doble ng estimates ng mga expert.

Ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, ang pagpapatakbo ng federal government ay gagastos sa pagitan ng 120B hanggang 131B pesos. Aabot ng 6.7% ang fiscal deficit o kakulangan ng pondo para tustusan ang gastos.

Mapapahamak lamang ang ekonomiya ng Pilipinas sa pederalismo.

Ayon sa pag-aaral ni Rosario Manasan ng Philippine Institute for Development Studies, karagdagang 44B hanggang 72B pesos ang kailangan ng Pilipinas sa pederalismo.

Bukod pa rito ang gagastusin ng bansa para sa plebisito at sa eleksyon ng transitional president at vice president.

Ngunit, ayon kay NEDA Undersecretary Rosemarie G. Edillon, posibleng mas mataas pa rito ang gastusin ng Pilipinas dahil sa posibleng umabot sa 243.3B pesos ang gastos ng gobyerno sa Personnel Services, at Maintenance and other Operating Expenses.

Sa unang taon ng pagpapatupad ng pederalismo, karagdagagng 10B pesos ang kailangan para magtayo ng mga panibagong government offices.

Ito ay base sa estimate na 100M pesos per building at sa mga bilang ng ahensyang wala pang buildings.

Ayon naman kay Prof. Edmund Tayao na myembro ng Consultative Committee na mas mababa pa raw ang gagastusin kesa sa estimates ng NEDA.

Ayon kay Tayao, di raw aabot sa 20B ang karagdagang gastusin sa pagpapatupad ng pederalismo.

Kitang kita naman na di nagkakasundo maging ang mga tauhan ng gobyerno kung magkano talaga ang gagastusin sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Ngunit, malaki talaga ang kailangang pondo para rito.

Dahil sa malaki ang gagastusin, mas lalaki rin ang annual deficit at mas lalaki ang utang ng Pilipinas para lamang pondohan ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno.

Ganun din, dahil sa mas malaki ang gastusin ng gobyerno, kailang mas marami at mas malaki ang buwis na kokolektahin mula sa mga Pilipino.

Natural lamang na mangamba ang marami dahil sa sobrang laki ng gagastusin ng rehimeng Duterte.

Nakakapangamba ang mga politiko na nagsusulong nito na posibleng makagawa sila ng sobrang laking pagkakamali dahil di nila pinag-aralan ang mga short-term at long-term financial costs ng pederalismo.

Makakautang at makakakolekta ba ang itatayong federal government ng sapat na pondo para bayaran ang lahat ng gastusin?

Ito ba ang tamang panahon para ipagpilitan ang pederalismo? Marami sa mga Pilipino ang nababahala sa ibang bagay gaya ng trabaho at pagkain.

Masisigurado ba ng federal government na ang malaking budget ay magagastos talaga sa mga dapat gastusin at hindi sa bulsa ng mga korap?

Ano ang garantiya na ang gagastusin ay para mabawasan ang kahirapan at kagutuman sa bansa?

Mapipigilan ba ng pederalismo ang pag-alis ng mga Pilipino para magpaalipin sa banyagang amo para lamang may ipakain sa pamilya nila rito?

Sa lahat ng mga nagsusulong ng pederalismo, maging ang pangkaraniwang Pilipino, suriin muna natin kung may benepisyo ba talaga sina Juan at Juana sa itinutulak at ipinagduduldulang pagpapalit ng sistema.

 

 

Source:

Business Mirror Editorial. (2018, September 3). Costs of federalism.

Retrieved from Business Mirror: https://businessmirror.com.ph/costs-of-federalism/