TAPOS NA BA ANG PAMAMAYAGPAG NG MGA ESTRADA SA POLITIKA?

Sana lang.

Maraming Natalong Estrada-Ejercito sa Halalan 2019

Bigo si dating Pangulong Joseph Estrada na muling manalo bilang mayor ng Manila sa katatapos na halalan. Tinalo sya ng kanyang dating vice mayor na si Isko Moreno, ayon sa pinakahuling unofficial tally ng COMELEC.

Nakakuha si Isko ng botong 345,774 samantalang 202,699 lamang ang nakuha ni Erap.

Ganun din, natalo ang kanyang apong si Janella Ejercito Estrada na maging mayor ng San Juan. Talo rin ang kanyang pamangking si ER Ejercito sa pagkagobernador ng Laguna.

Tinalo si Janella, anak ni Jinggoy, ni Francis Zamora na anak naman ni San Juan Representative Ronaldo Zamora na dating kaalyado ng mga Estrada.

Kulang ng higit sa 10,000 boto si Janella para maging mayor kung kaya’t tapos na ang pamamayagpag ng mga Ejercito-Estrada sa San Juan sa loob ng 50 taon.

Tinalo rin ni reelectionist Laguna Governor Ramil Hernandez si ER Ejercito nang higit sa 400,000 boto.

Natalo rin ang anak ni ER na si John Paul sa pagka-mayor ng Pagsanjan sa Laguna. Ngunit, nanalo naman sa pagka-vice mayor ang asawa ni ER na si Girlie sa Pagsanjan ngunit hindi hihigit sa 2,000 boto ang lamang nito.

Nasa balag din naman ng alanganin ang magkapatid sa amang sina JV at Jinggoy sa kanilang pagsubok na maging Senador. Nasa 13th place si JV at nasa 15th place naman si Jinggoy sa partial unofficial count as of 3:50 am ngayong Martes.

Salamat naman at tapos na ang dinastiya ng mga Ejercito-Estrada. Sana wag na natin silang ibalik sa pwesto sa susunod na halalan.

Source:

Maru, D. (2019, May 14). End of an era for Estrada-Ejercito political clan? Retrieved from ABS-CBN News: End of an era for Estrada-Ejercito political clan?