STL ba ang Dahilan ng Pagtakbo ni Andaya Bilang CamSur Governor?

STL ba ang Dahilan ng Pagtakbo ni Andaya Bilang CamSur Governor?

Kaya ba kelangan ang “misplaced generosity” ng mga lawmakers?

Bakbakang Andaya-Villafuerte sa CamSur Governor

Nag-file ng certificate of candidacy si House Majority Leader Representative Rolando Andaya, Jr. Lalabanan nya si Migz Villafuerte na tumatakbo para sa pangatlong termino.

Andaya at LRay Villafuerte Nagpang-abot sa Presinto

Actually, masalimuot ang bangayang Andaya – Villafuerte. Matatandaang nagpang-abot pa yan sa isang presinto sa Pili, Camarines Norte.

Nag-ugat ang isyu dahil sa biglaang pagtatambak ng lupa sa isang daan sa Pili. Nagpalitan sila ng maaanghang na salita. Naghamunan. Nagmurahan. Parang hindi mga kagalang-galang na myembro ng Kamara.

Nag-abot sa presinto dahil nagsampa ng reklamo ang ilang tauhan ng lokal na pamahalaan na binugbog daw ng mga tauhan ni Andaya.

Di man natuloy ang suntukan. Nagpatuloy naman ang bangayan ng dalawa.

Nagsigawan sina LRay at Andaya sa 2019 Budget Hearing

Sa meeting ng Committee on Appropriations na dinaluhan nina Andaya at Arroyo, nagpalitan muli ng maaanghang na salita ang dalawa.

Sinabihan ni Andaya si LRay na wag magsalita sa meeting. Hinamon din ng suntukan ni Andaya si LRay.

Ayon naman kay Andaya, “spirited debate” ang nangyari at hindi shouting match.

Ipinasara ni Migz Villafuerte ang STL Operations sa CamSur

Gumagamit ang mga gambling lords ng dummies para sa STL operations ng PCSO na cover-up lamang ng jueteng.

Sa isang Senate hearing, inamin ni Antonio Bago na isang dating police officer at provincial manager ng Even Chance Gaming Corporation sa Camarines Sur mula March 2010 hanggang February 2011 na si Bong Pineda ang may-ari ng kumpanya.

Ginagamit lamang ni Bong Pineda si Nestor Napa bilang dummy para makapagpatakbo ng STL operations sa Camarines Sur at Visayas.

Ayon kay Bago, ang nakakausap lamang nya ay ang younger brother ni Bong Pineda na si Antonio.

Ayon sa kanya, noong sya ang provincial manager ng Even Chance, nagawa nilang mag-operate ng STL at jueteng nang sabay.

5M piso kada araw ang kikinikita sa STL sa Camarines Sur, ngunit di naman lahat ay ibinibigay sa PCSO.

Ayon kay LRay Villafuerte na nasa Senate hearing din, tinanggal nila ang Even Chance sa Camarines Sur dahil labag sa batas ang paggamit ng dummies ni Bong Pineda.

1.9B Pesos ang Pork Barrel ng CamSur sa 2019 Budget

Matatandaang umugong ang balita na may 2.4B pesos na pork ang distrito ni Arroyo sa Pampanga, samantalang 1.9B pesos naman ang para sa distrito ni Andaya sa CamSur.

Ayon kay Andaya, ang instruction ni Arroyo ay 60M pesos kada congressman.

Itinanggi rin nya na humingi sya ng mas malaking pondo para sa road projects para sa kanyang distrito.

Sinabi rin daw nya sa Committee on Appropriations na wag mag-insert ng pork sa 2019 budget nang di sinasabi sa Senado.

Pero, di naman daw sya pinakinggan.

“Misplaced generosity” daw ng komite ang pagbibigay ng mas malaking pondo sa distrito nina Arroyo at Andaya.

Connect the Dots

Si Bong Pineda ay asawa ni Pampanga Governor Lilia Pineda. Matagal nang alam ng mga Pilipino na gambling lord ang mga Pineda.

Ang mga Pineda ay close kay GMA. Common knowledge na rin yan. Si Rolando Andaya, Jr. ay matagal ng kaalyado ni GMA.

So, posible na gustong maibalik sa mga Pineda ang STL operations sa CamSur kaya si Andaya ang lalaban kay Migz Villafuerte. Ganun ba un? Ang laki ng pondo ha?

Abangan natin what will happen sa eleksyon sa CamSur. Babaha ba ng pera?

 

 

Source:

ABS-CBN News. (2018, December 6). ‘Misplaced generosity’ of solons, not Arroyo, behind P4.3-B ‘pork barrel’: lawmaker.

Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/news/12/06/18/generosity-of-solons-not-arroyo-behind-p43-billion-pork-barrel-lawmaker

Antiporda, J. (2018, February 12). Gambling lords using dummies to operate Small Town Lottery, says former gaming manager.

Retrieved from The Manila Times: https://www.manilatimes.net/gambling-lords-using-dummies-operate-small-town-lottery-says-former-gaming-manager/379696/

Cepeda, M. (2018, September 17). Shouting match erupts in House meeting over 2019 budget.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/212203-shouting-match-erupts-andaya-villafuerte-nograles-2019-budget

Lorbes, G. (2018, April 19). 2 congressman ng CamSur, naghamunan dahil sa pagtatambak ng lupa.

Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/news/04/19/18/2-congressman-ng-camsur-naghamunan-dahil-sa-pagtatambak-ng-lupa

Politiko Bicol. (2018, October 17). Andaya vs Villafuerte for Camarines Sur governor.

Retrieved from Politiko: http://bicol.politics.com.ph/2018/10/17/andaya-vs-villafuerte-for-camarines-sur-governor/