PINADALI NG OPOSISYON ANG PAGKAPANALO NG MGA MANOK NI DUTERTE

Di organisado. Di nagkakaisa.

Susubukin ang Pamamahala ni Duterte Ngayong Midterm Elections

Sa tatlong dekada ng pamamayagpag ni Duterte sa politika, hindi pa sya natatalo sa kahit anong halalan. Sa darating na Lunes, inaasahang magpapatuloy ang kanyang pagwawagi sa pagkapanalo ng kanyang mga kandidato habang sinusuri ng mga botante ang kanyang pagka-Presidente sa loob ng tatlong taon.

Kahit na bumabagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa at marami syang mga kontrobersyal na polisiya gaya ng war on drugs, inaasahang makukuha ni Duterte ang mayorya sa House of Representatives at Senado. Higit sa 18,000 posisyon sa gobyerno ang pinag-aagawan ngayong midterm elections.

Inaasahan ang pagkapanalo ng maraming kandidato ni Duterte, kasama na ang kanyang mga kaalyado. Posibleng mapabilis nito ang pagpapatupad ng mga polisiya gaya ng tax reform at ang pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa pederalismo. Ngunit, posibleng magkaroon ito ng di magandang resulta sa demokrasya sa Pilipinas dahil tinatanggal na nito ang isa sa pinakahuling checks sa kapangyarihan ni Duterte.

Ang malaking panalo ni Duterte ay makakatulong sa pagpapatupad ng kanyang mga polisiya sa huling tatlong taon. Usually, nawawalan ng suporta ang lider sa huling tatlong taon. Ngunit, kung mananalo ang mga kandidato ni Duterte sa Senado, posibleng wala ng balakid para ipatupad ang kanyang mga polisiya.

Mahinang Oposisyon

Patuloy na di organisado at di nagkakaisa ang oposisyon simula pa noong presidential elections noong 2016. Hindi sila nagkaroon ng iisang slate at kanya kanya rin sila sa pangangampanya.

Ginawa nilang sentro ng kampanya si Duterte na syang nagpalakas lamang dito.

Posibleng walang manalo sa mga kandidato ng oposisyon dahil masyadong malakas ang kontrol ni Duterte. Posibleng mamayagpag ang kanyang mga kandidato sa Lunes.

Ayon sa pinakahuling survey ng Pulse Asia, si Bam Aquino lamang ang pasok sa Magic 12. Noong 1967 ang huling pagkakataon na isa lamang sa mga kandidato ng oposisyon ang nanalo sa pagka-Senador.

Sa kanyang mga campaign speeches, patuloy na inatake ni Duterte ang mga kandidato ng oposisyon. Pero, patuloy na nagiging sikat ang Pangulo. Isang patunay ang pinakahuling public satisfaction rating nito.

Kapag mas marami ang nanalong kandidato ni Duterte sa Senado at House of Representatives, mas malaki rin ang implikasyon nito sa umiiral na demokrasya sa bansa. Nagkaroon ng kontrol si Duterte sa House of Representatives dahil sa pork barrel, pinuno nya ang Korte Suprema na kanyang mga loyalists, at patuloy ang kanyang pag-atake sa lehitimong media. Ang Senado na sana ang pinakahuling balakid para mapigilan ang pagkawala ng demokrasya sa bansa.

Sa pagpapatuloy natin matapos ang midterm elections, posibleng gamitin ng oposisyon ang ilang mga isyu gaya ng pagkiling ni Duterte sa Tsina para makakuha ng mas maraming suporta mula sa publiko. Un ay kung ibig ng oposisyon na magkaroon sila ng magandang laban sa 2022 presidential elections.

Kahinaan ni Duterte ang pagkiling nito sa Tsina lalo na kung ipapakita ng oposisyon kung paano mas pinapaburan nya ang mga Tsino kesa sa mga Pilipino.

Tigilan na ang pagkahati-hati ng oposisyon. Kailangan nitong magkaisa at gumalaw nang iisa kung gusto nitong magapi ang diktador sa Malacañang.

 

Source:

Calonzo, A., & Heijmans, P. (2019, May 12). The Philippines’ Midterm Election Will Test Duterte’s Presidency. Retrieved from Bloomberg: The Philippines’ Midterm Election Will Test Duterte’s Presidency