Kung Neutral ang PNP, Bakit Guest Nila si Bong Go sa Event Nila?

Kung Nuetral ang PNP, Bakit Guest Nila si Bong Go sa Event Nila?

Binigyan pa ng arrival honors?!

PNP Nagbigay Pugay kay Bong Go

Matatandaang inutusan ni Duterte ang mga pulis at military na wag makisawsaw sa politika at wag sumuporta sa mga kandidato sa 2019 elections.

Pero, bakit nagbigay pugay ang PNP kay Bong Go?

Kaninang umaga, inilunsad ng PNP ang Kabataan Kontra Droga at Terorismo na dinaluhan ng mga college students.

Si Bong Go ang guest of honor at speaker. 20 minutos ding nakinig ang estudyante at nakisalamuha rin sya sa kanila matapos ang programa.

Ganun din, nagkaroon din sya ng press conference sa loob ng kampo.

Itinanggi naman syempre ni Bong Go na nangangampanya sya sa loob ng kampo. Imbitado raw sya bilang isang pribadong mamamayan at posibleng bilang dating chimia-a ni Duterte.

Pero, kandidato na sya bilang senador ng PDP-Laban kaya di nya pwedeng sabihin na nagpunta sya sa okasyon bilang julalay ng Pangulo o bilang private citizen.

Ayon naman sa PNP, wala naman silang nilalabag na utos ng Pangulo dahil inimbitahan daw si Bong Go hindi bilang kandidato sa eleksyon.

Sa panahon ni Duterte, naglalabasan ang mga taong walang delikadesa. Bong Go… pasok!

 

 

Source:

Talabong, R. (2019, February 11). PNP honors Senate bet Bong Go on eve of campaign period.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/politics/elections/2019/223212-pnp-honors-bong-go-on-eve-of-campaign-period

Leave a Reply

Your email address will not be published.