Chel Diokno: Unahin ang Kapakanan ng mga Gumagamit ng Public Transport

Chel Diokno: Unahin ang Kapakanan ng mga Gumagamit ng Public Transport

Nasa tama ang puso ni Chel Diokno.

Chel Diokno, Bigyang Prayoridad ang mga Pilipinong Nagbu-Bus at Nagdyi-Jeep

Ayon kay Chel Diokno, dapat priority ang commuters at di ang mga taong may sariling sasakyan.

Bigyan ng importansya ang mga nagbu-bus at nagdyi-jeep kesa sa mga nagmamaneho ng mga mamahaling sasakyan.

Sinusuportahan din ni Chel Diokno ang carless cities na ipinapatupad na sa ilang bansa sa Europa.

Kailangang tingnan ang problema sa ibang anggulo. Ang problema ay kung paano magbibyahe ang mga tao at hindi kung paano kikilos ang mga sasakyan.

 

Francis Tolentino, Suportado ang National Land Use Plan Act (Eh inuupuan ni Cynthia Villar yan eh!)

Ayon naman kay Francis Tolentino, kailangang ipasa na ang National Land Use Plan Act. Mangyayari ang trapik, di lang sa Metro Manila, kundi sa ibang lugar din sa Pilipinas.

Kelangang planuhin ang urbanisasyon dahil ang pagdami ng tao ay isang problema.

Sinusuportahan ni Tolentino ang pagkakaroon ng maraming tren at pagtatayo ng bagong administrative center sa labas ng Metro Manila.

Serge Osmeña, Kailangang Buksan ang mga Pribadong Daan para sa Trapiko

Ayon kay Serge Osmeña, maraming mga daan sa Metro Manila ang pribado. Kailangang ipagamit ito sa publiko para maibsan ang daloy ng trapiko.

Enrile, Kelangan ang Economic Centers sa Labas ng Metro Manila

Ayon naman kay Enrile, kailangang magtayo ang gobyerno ng maraming economic centers sa labas ng National Capital Region para di nagkukumpol ang mga Pilipino dito.

JV Ejercito, Kailangan ang Emergency Powers ni Duterte

Para kay JV, kailangan ang maraming train systems. Adbokasiya nya ang modernisasyon ng transportation.

Ganun din, isusulong nyang muli ang pagbibigay ng emergency powers kay Duterte para solusyunan ang problema sa trapiko.

(Di nga umusad yang panukala na yan, ipipilit mo ulit? Di solusyon ang emergency powers dahil wala namang nasolusyunan si Duterte, sa totoo lang.)

Bato dela Rosa, Kailangan ang mga Law Enforcers sa Pagresolba sa Problema ng Trapiko (Itotokhang po ba?)

Ayon kay Bato, mahalaga ang role ng law enforcers sa solusyon sa problema sa trapiko.

Kailangan din ang mga polisiya gaya ng driver point system sa Hong Kong. (Nanggaya ka na naman?!)

Sa point system, binabawasan ang 15 puntos ng driver kada lumalabag sya sa batas trapiko. Kapag naubos na ang mga puntos, kailangan nyang um-attend ng seminar.

Teka, di ba may ganyan na? Pinagse-seminar ang mga drivers na nahuhuli sa traffic violations.

Gary Alejano, Kailangang Ilipat ang mga Government Offices sa Labas ng Metro Manila

Gaya ni Tolentino, ibig ni Gary Alejano na ilipat ang mga government offices sa labas ng Metro Manila.

Gaya ni Enrile, naniniwala si Gary na kailangang maipakalat ang mga oportunidad sa pagpapalago ng ekonomiya sa ibang lugar.

Kailangan ding magkaroon ng maraming airports sa labas ng Metro Manila. Ganun din, kailangang pagbutihin pa ang mga seaports sa ibang rehiyon.

Masalimuot ang problema ng trapiko, pero tama si Chel Diokno, ang problema ay moving people at hindi moving vehicles.

 

 

Source:

Ranada, P. (2018, December 2). Senate bets on traffic: Prioritize commuters, decongest Manila.

Retrieved from Rappler: https://www.rappler.com/nation/politics/elections/2019/218046-senatorial-candidates-metro-manila-traffic-cnn-philippines-forum

One thought on “Chel Diokno: Unahin ang Kapakanan ng mga Gumagamit ng Public Transport”

Comments are closed.