Bato: Halikan Nyo Ang Mga Babaeng Kapampangan Para Matuto Kayo ng Lenggwahe Nila

Bato: Halikan Nyo Ang Mga Babaeng Kapampangan Para Matuto Kaya ng Lenggwahe Nila

Hinalikan kaya nya si Gloria Macapagal-Arroyo?

Bato: Nagpakawala ng Katarantaduhan sa Kampanya sa Pampanga

Ayon kay Bato dela Rosa, kung gusto mong matutong magsalita ng Kapampangan, halikan mo ang kababaihan ng Pampanga.

Sinabi nya ito sa harap ng kickoff campaign ng Hugpong ng Pagbabago. Ayon sa kanya, nanligaw sya ng isang babaeng Kapampangan noong nag-aaral pa lang sya sa Philippine Military Academy (PMA).

Binasted daw sya kaya di sya natutong magsalita ng salita ng mga taga-Pampanga.

Sabi nya, dapat daw makipag-lips-to-lips sa isang Kapampangang babae para matutong magsalita ng kanilang lenggwahe nang mas mabilis.

Inamin din ni Bato na wala syang experience sa paggawa ng batas pero malinis daw ang kanyang puso.

Si Bato ay isang bastos din tulad ni Duterte. Mababa ang tingin sa kababaihan. Aminadong walang alam. So, bakit mo pa iboboto ang taong ‘to?

 

 

Source:

Esguerra, D. (2019, February 12). Kiss a Kapampangan woman in the lips to learn their language–Bato.

Retrieved from Inquirer: https://newsinfo.inquirer.net/1084589/kiss-a-kapampangan-woman-in-the-lips-to-learn-their-language-bato

Leave a Reply

Your email address will not be published.