BAKIT DAPAT MAKINIG ANG MGA MAGULANG SA KANILANG MGA ANAK?

Di na uso ang “Anak lang kita! Sa akin ka makinig!”

Naghahangad ng Pagbabago ang Kabataan

Kung pagbabasehan lamang ang mga survey ng Pulse Asia at SWS, at ang campus mock polls, makikita nating ibig ng kabataan ang tunay na pagbabago. Ang mga nakakatandang henerasyon ay mas kumikiling sa mga sikat at mga political dynasties samantalang mas pinipili ng kabataan ang mga progresibong politiko. Dapat nang makinig ang mga matatanda sa kanilang mga anak.

Magtatala ng magandang kasaysayan ang gaganaping halalan sa Lunes, ika-13 ng Mayo, 2019. Ito ang panahong nagkaroon ng sama-samang pagkilos ang mga kabataang Pilipino para ipakita sa buong bansa kung sino sino ang karapatdapat ihalal.

Ito lamang ang tanging dahilan kung bakit magkaiba ang resulta ng mga survey ng SWS at Pulse Asia, at ang campus mock polls.

Tinutuligsa ng ilan ang pamamaraan ng SWS at Pulse Asia sa pagsa-survey. Ngunit, di rin naman maitatangging mas madalas na tama sila sa pagsipat kung sino sino ang iboboto ng sambayanan. Noong 2013 elections, lahat ng sinasabi ng dalawang kumpanyang ito na mananalo ay nanalo nga.

Sa kabilang banda, ang pagkakaroon ng campus mock polls ay di naman dumaan sa siyantipikong proseso. Kadalasan, ang mga sumasali rito ay di naman pinipili. Kung sino lamang ang may gusto o kung sino ang may panahon para rito.

Sa UST, halimbawa, 25% lamang ng mga sumali sa mock polls ay rehistradong bumoto sa darating na halalan sa Lunes. Kaya, hindi pwedeng maging basehan ang mga campus mock polls kung sino ang iboboto ng kabataan.

Pero, palaban ang tono ng mga resulta ng campus mock polls ng iba’t ibang paaralan sa bansa. Nasa top 5 ang mga aktibista, tulad nina Chel Diokno, Neri Colmenares, at Samira Gutoc. Maliwanag na paborito ng kabataan si Chel dahil palagi syang nasa top ng maraming campus mock polls.

Dahil sa top choice si Chel ng kabataang lumahok sa campus mock polls, masasabing decisive ang mga participants. Di maganda ang performance nina Chel, Neri, at Samira sa SWS at Pulse Asia surveys. Posibleng matalo sila gaya ng nangyari kay Miriam noong tumakbo sya sa pagka-Pangulo noong 1992. Bukod sa mababa ang posisyon nila sa surveys, ayaw ng mga respondents sa kanila.

Sa April Pulse Asia survey, 68% ang awareness kay Neri, 50% ang kay Chel, at 37% ang kay Samira. Hindi na masama considering na baguhan sila sa politika, maliban kay Neri ng Makabayan bloc. Pero, kahit na mataas ang awareness rating nila, 11% lamang ang nagsasabing iboboto nila si Neri, 5.3% kay Chel, at 5.9% kay Samira. Nahihirapan ang tatlong ito na i-convert ang awareness sa boto.

Pero, maituturing na rock stars ang tatlo sa campus polls. Sa UST na itinuturing na konserbatibo, nangunguna ang tatlong kandidato. 75% ang pumabor kay Chel, 67% ang kay Samira, at 55% kay Neri. Sa UP Diliman naman, 84.8% ang pabor kay Chel, 80.3% ang kay Neri, at 74.1% ang kay Samira. Maliwanag na kahit na “mock” polls ito, hindi naman kinukutya ng kabataan ang proseso ng halalan.

Pansinin na sa surveys ng Pulse Asia ay nangunguna sina Cynthia Villar, Grace Poe, at Lito Lapid. 100% ang awareness rating ng mga ito.

So, bakit ang laki ng pagkakaiba ng voting preferences ng kabataan at ng sambayanan? Ito ba ay labanan ng karunungan at walang kamuwangan? Hinde.

Hindi naman naging pabaya ang mga kabataan. Kung tutuusin, kung titingnan lamang ng sambayan ang mga qualifications at political convictions ng mga kandidato, tama ang pinili ng mga kabataan. Inayawan nila ang mga kandidato ni Duterte. Inayawan nila ang mga incumbents at mga nagbabalik na mga senador, maliban lamang kay Grace Poe. Ibig nila ang mga senador na mag-check sa rehimeng Duterte at hindi mag-enable dito.

Ang resulta ng campus mock polls ay isang apela, isang desperadong apila para sa pagbabago. Posibleng masyado pa silang mga bata para pumili ng kahihinatnan ng bansa, pero kinabukasan nila ang nakasalalay dito.

Naintindihan ng kabataan ang checks and balances na parte ng isang demokrasya. Siguro, panahon na para makinig ang mas nakakatanda para magkaroon ng pagbabago sa klase ng politika sa bansa.

Source:
Salvosa II, F. F. (2019, May 11). National surveys vs campus polls: Why parents should listen to their children this election season. Retrieved from ABS-CBN: National Surveys vs Campus Polls