WB: Posibleng Mag-Overheat na ang Philippine Economy

WB: Posibleng Mag-Overheat na ang Philippine Economy

May warning na galing sa World Bank. Makinig ang mga dapat makinig. Magbasa ang mga dapat magbasa.

May Panganib na Mag-Overheat ang Ekonomiya ng Pilipinas

 

Nagbigay na ng babala ang World Bank. Posibleng magkaroon ng problema ang Pilipinas kahit na ito ay isa sa tatlong masigla ang paglago ng ekonomiya sa rehiyon. Ayon sa World bank, posibleng humarap sa panganib ng mas mataas na inflation rate, pagtaas ng fiscal deficits, at overheating.

Ayon sa Philippines Economic Update ng World Bank, “There are several domestic risks facing the Philippines, including higher inflation, an overheating of the economy and high fiscal deficits.”

Ayon pa sa report, “Moreover, unemployment reaching record lows in recent years, signaling less spare labor capacity, although underemployment remains high.”

Ganun din, nagbabala din ang World Bank na posibleng magkaroon ng disruptions sa paglago ng ekonomiya at exports dahil sa protectionism at trade war ng malalaking ekonomiya sa mundo.

Posibleng hindi maapektuhan ng mas mataas na taripa ang Philippine exports sa US. Ngunit, “Since the Philippines is connected to the global production chain, especially through its intermediate electronics export, an adverse trade policy against neighboring countries could eventually have an impact on the Philippines.”

Positive pa rin daw ang economic growth outlook ng bansa over the medium-term. Ngunit, marami pa rin daw ang posibleng magawa para mag-create ng high quality jobs at mas mabilis na paglago ng income ng mga Pilipino. Ang dalawang bagay na ‘to ang susi para ganap na marating ang mas mataas na antas ng kasaganaan para sa lahat.

Ayon sa report, “Investing in the future means prioritizing investment in both physical infrastructure and human capital, such as in education, skills and health, will create better employment opportunities, especially for the poor.”

Ano ang Ibig Sabihin ng Overheated Economy?

 

Pag overheated ang isang economy, ibig sabihin, nakaranas na ito ng mahabang panahon ng paglago ng ekonomiya. Dahi dun, masyadong mataas na ang inflation rate, dahil na rin sa dumami ang pera ng tao.

Law of supply and demand din naman kasi ang umiiral. Pag marami ang may pera, tataas ang presyo dahil konti lang ang supply ng produkto at serbisyo. Dahil sa maganda ang takbo ng ekonomiya at may pera ang mga tao, nagpupursigi ang mga manufacturers na gumawa pa ng mas maraming produkto na syang nagbubunsod ng overproduction.

Nagkakaroon na ng mas maraming produkto sa merkado na hindi na kayang i-consume o bilhin ng mga tao. Kadalasan kasi, nagiging gahaman na rin naman ang mga manufacturers. Alam nilang maraming pera ang tao kaya produce pa rin sila nang produce ng mga produkto.

Un nga lang, pag sobrang dami na ng supply ng mga produkto sa merkado at tumataas na rin ang inflation rate, napipigilan ng mga ito ang patuloy na paglago ng ekonomiya. Posible ring magkaroon ng recession kung nagpatuloy ang inefficiency at inflation.

Sa isang overheated economy, hindi na mapanatili ang paglago dahil na-reach na nito ang optimum growth nya. Isa sa mga senyales ng overheated economy ang patuloy na pagtaas ng inflation rate.

Kadalasang remedyo ng mga central banks at gobyerno ang pagtataas ng interest rates para maibaba ang lebel ng pag-utang at paggasta ng mga tao. Ngunit, kadalasang nagiging huli na ang desisyon ng mga central banks sa pagtataas ng interest rate. Nag-overheat na ang isang economy, bago pa man maramdaman ang epekto ng pagtataas ng interest rate.

Teka nga pala. Kung may warning ng overheating ang World Bank, so ibig sabihin, maganda talaga ang pamanang ekonomiya ng  rehimeng Aquino, ‘no?!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *