Utang Dito, Utang Doon. Sino ang Magbabayad ng Utang ng Tatay Digong Mo?

Utang Dito, Utang Doon. Sino ang Magbabayad ng Utang ng Tatay Digong Mo?

Noong 2016, umutang ang Pilipinas ng 507B pesos. Noong 2017, 901.7B pesos naman ang inutang. Sino ang magbabayad?

Pumalo ng 78% ang Increase sa Utang ng Rehimeng Duterte noong 2017

Ayon sa datos ng Bureau of Treasury, mas mababa ang binayarang utang noong 2017 kesa noong 2016. Umabot lamang ng 680B billion pesos ang binayaraang utang noong nakaraang taon kumpara sa 789.9B pesos na binayaran noong 2016.

Ngunit, tumaas ang bayad ng interest sa pagkakautang at umabot ng 310.5B pesos kumpara sa 304.5B pesos noong 2016. Ganun din, tumalon ng 901.7B pesos ang utang ng gobyerno noong 2017 kumpara sa 507B pesos noong 2016.

Ang Kabuuang Utang ng Pilipinas ay Umabot ng 6.652T Pesos noong 2017

Ang pagpalo ng utang ng Pilipinas noong 2017 sa record-high na 6.652T pesos ay bunsod ng mababang halaga ng piso at pagtaas ng pag-utang sa mga local lenders. Tumaas ng 9.2% ang utang ng Pilipinas kumpara noong 2016.

Ngayong 2018 Asahan ang Pag-utang ng Pilipinas sa mga Foreign Creditors

Mula 20%, itinaas ng Development Budget Coordination Committee ng rehimeng Duterte sa 26% ang porsyento ng uutangin ng Pilipinas sa labas ng bansa. Ngunit, pinanatili nitong 20% ang foreign borrowings simula 2019 hanggang 2022.

Ayon kay Finance Secretary Carlos G. Dominguez II, magkakaroon daw kasi ng “global bond sale” ang Pilipinas. Ganun din, magkakaroon ng “panda” bond issuances sa China at “samurai” bond issuances sa Japan.

Dahil sa “Build, Build, Build” ng rehimeng Duterte, pinaplano ng Bureau of Treasury na makautang ng US$1B sa kanilang dollar bond issuance para mapondohan ang infra program.

Masyadong ambisyoso ang “Build, Build, Build” ni Duterte. Sa mga issues na kinakaharap ng bansa, mukhang mahihirapan na naman tayong mga Pilipino sa pagbabayad ng utang ng may utang.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *