Ung Totoo: May Bigas o Wala?

Ayon sa report, tinanggal ni Duterte si Undersecretary Halmen Valdez dahil sa pagpupumilit na mag-angkat ng bigas. Ang desisyon ni dating Usec Valdez ay taliwas sa desisyon ni NFA Administrator Jason Aquino na wag munang mag-import ng bigas dahil panahon ng anihan ng bigas.

Isang araw matapos ang pagtanggal sa pwesto kay Valdez, pinatigil ni Duterte ang pag-angkat ng bigas. Ang katwiran nya, di daw dapat mag-angkat pag panahon ng anihan. Ngunit sinasabi rin ng datos ng Department of Agriculture na ang taunang kakulangan sa bigas ay umaabot ng 1.8 million metric tons. Kung hindi tuloy-tuloy ang pag-angkat ng bigas para punan ang kakulangan, magkakaproblema tiyak sa supply at sa presyo ng bigas.

Ang Problema sa NFA Rice

Kamakailan lamang, isyu ang kakulangan ng NFA rice na syang tinatangkilik ng mga mahihirap. At dahil dito, tumaas ang presyo nito ng 5 piso. Mula 27 pesos, ang presyo ng isang kilo ng NFA rice ay nagging 32 pesos na. Ang alibi nila, dinala kasi ang bigas sa mga lugar na may kalamidad tulad ng Legazpi sa Albay.

Hindi katanggap tanggap ang ganyang rason sapagkat dapat nagkaroon ng sapat na pagpaplano sa pagsisiguradong may sapat na bigas ang mga nasa laylayan ng lipunan. Malaking bagay ang 5 pesos na pagtaas sa presyo ng bigas, lalo na sa mga mahihirap.

Walo hanggang sampung milyon na Pilipino ang umaasa sa NFA rice. Sinasabing ito ay tatagal na lamang ng 18 araw. Ganun din, hindi na rin nagpapadala ng NFA rice sa ibang mga tindahan dahil nga ipinamimigay ito sa mga nasalanta sa pag-aalburuto ng Mayon Volcano.

Ayon kay NFA Council Chairman Leoncio Evasco, may paparating naman daw na 325,000 metric tons sa ilalim ng minimum access volume (MAV) sa katapusan ng buwang kasalukuyan. So, ano po ang gagawin ng mga mahihirap, hindi po muna sila magkakanin? O kaya naman, bumili muna sila ng bigas na nagkakahalaga ng mahigit na 40 pesos kada kilo? Ganun po ba?

Ang Mabuting Layunin ng Rehimeng Duterte

To be fair, mabuti naman ang layunin ng rehimeng Duterte na wag mag-angkat ng bigas habang panahon ng anihan para sa mga magsasaka na lamang natin bibili ang gobyerno. Pero, tingnan naman natin ang nangyari ngayon? Nagkulang ang supply ng NFA rice.

Tandaan natin ang prinsipyo ng Law of Supply and Demand. Pag kokonti ang supply pero marami ang demand, tataas ang presyo. Pag marami ang supply pero kokonti ang demand, bababa ang presyo. Tumaas ang presyo ng NFA rice dahil sa kokonti na lang mga ‘to.

Sino ngayon ang nagdurusa? Hindi ba ang mga mahihirap na dapat ay kinakalinga ng pamahalaan?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *