Tumaas ang Utang ng Pilipinas ng 11% ngayong Marso

Tumaas ang Utang ng Pilipinas ng 11% ngayong Marso

Alam nyo ba kung magkano na ang utang ng Pilipinas noong March 2018?

6.879T Pesos na ang Utang ng Pilipinas noong Marso

Tumaas ng 11% ang utang ng gobyerno noong Marso 2018, kumpara sa parehong period noong isang taon. From 6.189T pesos, pumalo na sa 6.879T pesos ang utang ng Pilipinas.

Sinasabing 64.92% ng kabuuang utang ay hiniram sa mga local lenders, samantalang ang natitirang 35.08% ay inutang sa mga foreign lenders.

Tumaas ng 12.6% ang utang sa mga local lenders kumpara noong isang taon. From 3.968T pesos, naging 4.466T pesos na ito.

Ayon sa Bureau of Treasury, ang pagtaas sa local debts ay dulot ng pag-issue ng government securities at pagbaba ng halaga ng piso na nakaapekto sa mga government bonds na nasa foreign currencies sa domestic market.

Ganun din, ang utang sa labas ng bansa ay tumaas ng 8.6%. From 2.221T pesos noong nakaraang taon, ang utang ay naging 2.413T pesos dahil na rin sa pagbaba ng halaga ng piso at ang pagbabago sa 3rd currency-denominated loans.

Ayon din sa Treasury, tumaas ang utang ng gobyerno dahil sa Panda bonds, kung saan nakakuha ito ng US$233M na panibagong utang mula sa mga lenders sa China.

Para sa taong 2018, inaasahan ng Bureau of Treasury na ang utang ng gobyerno ay aabot sa 6.994T pesos.

Noong isang taon, ayon sa Department of Finance, ang utang ng national government ay tumaas ng 10.3% dahil sa mas mataas na utang. 36.4% ang debt-to-GDP ratio noong June 2017.

Ang pinakahuling debt-to-GDP ratio ay 35.3% na mas mataas nang bahagya noong isang taon. Ang pagtaas, ayon Domestic Finance Group report ng DOF ay bunsod ng pagdami ng kinukuhang loans ng rehimeng Duterte.

Gaya ng lagi kong sinasabi, importante ang utang sa isang bansa. Walang bansa sa buong mundo ang walang utang. Un nga lang, kelangan nang masinop na paggamit sa anumang utang. Ngunit, sa klase ng pamamahala ni Duterte, it creates doubt na nasa mabuting kamay ang mga utang na ‘to.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *