TRIPLE ANG INILAKI NG INUTANG NG GOBYERNO SA 1ST QUARTER NG 2019

Unli-utang ang gobyerno. Sino ang magbabayad?

623.6B Pesos ang Inutang ng Rehimeng Duterte sa Unang Tatlong Buwan ng 2019

Lumaki nang triple ang inutang ng gobyerno sa unang quarter ng 2019 kumpara sa parehong panahon noong 2018. Nagtala ng 623.6B pesos na utang ngayon kumpara sa 206.18B pesos noong isang taon. Karamihan sa mga utang ay galing sa mga local lenders.

Ang pera ay gagamitin para sa Build, Build, Build infrastructure projects ng gobyerno at para punan ang budget deficit.

Ayon sa datos ng Bureau of Treasury, umabot sa 490.6B pesos ang inutang ng gobyerno sa mga local creditors. 61.78B pesos lamang ito noong isang taon.

Samantala, umabot naman sa 132.98B pesos ang inutang sa foreign lenders kumpara sa 144.4B pesos noong isang taon.

Noong isang linggo, iniulat ng Treasury department na umabot na sa 7.786T pesos ang kabuuang utang ng gobyerno. Ito ay mas mataas ng 13% kumpara sa 6.874T pesos na naitala noong isang taon.

Tumaas ang utang ng gobyerno dahil sa lumaki rin naman ang budget deficit nito. Ganun din, nagkaroon ng revaluation ng mga dollar bonds.

Ang mas mataas na halaga ng US dollar ay nagdulot ng mas malaking babayarang utang ng Pilipinas sa mga foreign creditors nito.

Patuloy ang paglobo ng utang ng Pilipinas sa ilalim ng rehimeng Duterte. Ngunit, pansinin nyo ang patuloy rin naman pagbaba ng GDP o gross domestic product ng bansa. Ang tanong: Saan dinadala ang inuutang dahil di naman nito napapalago ang ekonomiya?

 

Source:

Leyco, C. S. (2019, June 2). Gov’t borrowings rise 202% in first quarter. Retrieved from Manila Bulletin: Gov’t borrowings rise 202% in first quarter