Trade War Concessions: Alam na Kung Sino ang Wagi

trade war concessions

Sino ba ang mas nangangailangang magtapos na ang sigalot sa US at China? Un ang bansang nagbigay ng napakaraming trade war concessions.

China nagbigay ng sanrekwang trade war concessions

Isa lang naman ang konsesyon na ibinigay ng US samantalang sanrekwa ang ibinigay ng China. Pumayag ang huli na bumili ng mga agricultural products ng China, liberalisasyon ng financial market, IP at tech transfers, reporma sa exchange rate, at pagpapatupad ng mekanismo.

RELATED: Ano ang Ginagawang Paghahanda sa Trade War?

Bigayan ang isang negosasyon at ang sinumang mas nangangailangan ay handang magbigay ng mas malaki at mas marami. Kaya nga, sa katatapos na unang negosasyon ng China at US, kapansin-pansin na mas nagparaya si Xi Jinping.

Wala na ngang umaasang magkakaroon ng anumang kasunduan sa pag-uusap ng dalawang higanteng bansa. Sandamakmak din naman kasi ang mga kontrobersya. Halimbawa, may alitan ang China at ang general manager ng National Basketball Association (NBA) dahil sa pagsuporta ng huli sa mga protesta sa Hong Kong. Ganun din, naipasa ng US House of Representatives ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act.

May naiulat ding mga pag-uusap ng mga kinatawan ng rehimeng Trump sa posibleng pagkakaroon ng restrictions sa pagpasok ng kapital sa China. Mas maraming Chinese tech firms ang na-blacklist sa US. Ganun din, may travel ban ang mga opisyal na may kinalaman sa mga pag-abuso sa karapatang pantao sa Xinjiang.

Ngunit, di naging hadlang ang mga sigalot sa politika sa pagkakaroon ng kasunduan sa pagitan ng dalawang bansang gusto nang matapos ang US-China trade war dahil masyado na itong nakakapinsala sa kanilang mga ekonomiya. Ibig na rin naman nina Trump at Xi na matapos na ang trade war dahil na rin sa dumadami ang mga hamon sa kani-kanilang pamumuno.

Sa parte ni Trump, malapit na ang eleksyon at posibleng makaapekto ang trade war sa kanyang tsansang manalong muli dahil sa maraming mga Amerikano na ang apektado sa sigalot ng US at China. May nakaambang impeachment pa sa House of Representatives.

Kailangan ni Xi na matapos na ang nasabing alitan sa kalakalan dahil mas importante sa China ang economic growth at ang relasyon ng bansa sa US. Mapapansing bumagal ang ekonomiya nito. Lumago lamang ng 6% ang ekonomiya ng China noong July-September. Kung hindi mareresolba ni Xi ang trade war, delikado rin naman ang estado ng kanyang political credibility. Posibleng matanggal din sya sa kapangyarihan.

Sa pagtatapos ng Phase One ng pagkakasundo ng US at China, isang bagay lang ang ipinaraya ng US. Ito ang pagpayag nito na wag munang ipatupad ang nakaambang pagtataas ng buwis ng mga produktong galing sa China. Itataas kasi sa 30% mula sa 25% ang buwis sa $250B halaga ng Chinese products na papasok sa Amerika. Hindi pumayag ang US sa pagpigil sa 15% na panibagong buwis sa $160B produkto ng China na papasok sa Disyembre. Hindi rin pumayag ang rehimeng Trump sa pagpapasok muli ng Huawei sa bansa.

Pero, ano ba ang mga ipinaraya ng China?

  • Pagpayag na bumili ang China ng mas maraming produktong pang-agrikultura ng US
  • Proteksyon sa intellectual property
  • Pag-aksyon sa mga isyu tungkol sa technology transfer
  • Pagbubukas ng financial markets
  • Pagpapatupad ng reporma sa exchange rate
  • Pagkakaroon ng enforcement mechanism

RELATED: US China Trade War: Ano ang Epekto sa mga Pilipino?

Nangako ang China na bibili taun-taon ng mga US farm products na nagkakahalaga ng $40-$50B. Mas malaki ito sa average imports nitong nagkakahalaga lamang ng $21B.

Wala rin namang kasiguraduhan kung tutuparin ng US at China ang kanilang kasunduan pero tiyak ang pagkakaroon ng mas maraming negosasyon hangga’t di nagkakaroon ng isang komprehensibong kasunduan tungkol sa kalakalan na tatapos sa alitan nila.

 

Source:

Huang, C. (2019, October 23). US-China trade war: who wanted a deal the most? Just look at the concessions made by both sides. Retrieved from South China Morning Post: US-China trade war: who wanted a deal the most? Just look at the concessions made by both sides