Trade Deficit Nasa US$3.9B Noong Nobyembre 2018

Trade Deficit Nasa US$3.9B Noong Nobyembre 2018

Patuloy pa rin ang pagdausdos pababa ng sitwasyon ng kalakalan sa bansa.

Pilipinas Nagtala ng US$3.9B Trade Deficit Noong November 2018

Patuloy ang pamamayagpag ng imports at pagbaba ng exports kaya nagtala ng trade deficit na US$3.9B ang Pilipinas noong November 2018.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, lumago ang imports ng 6.8% at naitala sa US$9.4B noong Nobyembre mula sa US$8.86B noong Nobyembre 2017.

Isang hamon kung mapapamahalaan ng bansa ang trade gap ngayong taon.

Malakas talaga ang imports sa bansa at lalo pa itong lalakas dahil sa Build, Build, Build ni Duterte.

Ang pinakamalaking panganib na dulot nito ay ang paglawak ng deficit sa current account at trade.

Pero, mas mabuti ang trade gap noong Nobyembre kesa sa inaasahan dahil bumaba ang imports ng mga sasakyan.

Inaasahan ng mga ekonomista ang patuloy na pamimiligro ng current account dahil sa sobrang dami ng imports ng Pilipinas.

Kumusta ang Performance ng Pilipinas sa Usapin ng Trade Gap?

Source: Trading Economics / Philippine Statistics Authority

Makikita natin sa graph na historically, sa panahon ni Duterte lumala ang trade gap o trade deficit.

Source: Trading Economics / Philippine Statistics Authority

Sa graph na ito, makikita natin ang pagiging consistent ang pagdausdos ng trade gap pababa. Bukod nga kasi sa marami ang imports, mas nakakapagpapalala pa ang malakihang importation ng mga materyales para sa Build, Build, Build ni Duterte.

Bakit Masama o Mabuti ang Epekto ng Trade Deficit?

Iba iba ang pananaw ng mga ekonomista tungkol sa trade deficit. Pwedeng masama, mabuti, o pareho. Minsan naman, walang epekto ito sa ekonomiya. Pero, konti lamang ang nagsasabing mabuti palagi ang epekto ng trade deficits.

Ung mga ekonomista na naniniwalang masama ang epekto ng trade deficits, ganito ang paniniwala nila dahil kung patuloy ang deficit sa current account, nangungutang na ang bansa sa iba o kaya naman ay nagbebenta na ang bansa ng capital assets para may maipambili ng mga produkto at serbisyo.

Hindi maganda sa ekonomiya kung palaging nangungutang ang gobyerno. Ganun din, mas lalong di maganda kung nagbebenta na ito ng mga long-term assets nito para gastusin sa pangkasalukuyang pangangailangan. Nakakaapekto kasi ito sa produksyon ng bansa sa hinaharap.

Ayaw ng mga labor unions ang trade deficits dahil ibig sabihin, mas marami ang imports kesa sa exports. Maraming trabaho ang nawawala dahil sa puro imported items na lamang ang nasa merkado. Nabibigyan ng trabaho ang manggagawa sa ibang bansa pag ganun.

Pero, wala naman itong basehan sa datos. Sa huling bahagi ng 1990s, noong mataas ang trade deficit sa US, bumaba ang unemployment sa pinakamababang lebel nito sa loob ng tatlong dekada.

Ung ibang ekonomista ay ayaw sa trade deficits dahil nakikita nila ito bilang sintomas at hindi dahilan ng problema. Marami sa kanila ang naniniwalang mali ang polisiya ng central bank kaya nangyayari ito. Masyado kasing maluwag ang monetary policy.

Kapag marami ang supply ng pera sa merkado, dumadami ang demand. Kadalasan, dumarami rin ang demand para sa imported products.

Ang ganitong scenario ay nakakapagpataas ng presyo ng mga bilihin. Ganun din, dahil sa mas marami ang imports, mas natutulungan pa ang ibang bansa dahil mas marami ang inaangkat sa kanila. Dahil dito, apekto ang ekonomiya kapag nagkaroon ng recession sa ibang bansa.

Ung ibang ekonomista, nakikita nila ang trade deficit na mabuti dahil naikokonek nila ito sa positibong paglago ng ekonomiya. Ibig sabihin kasi mataas ang kita ng mga tao, mataas din ang consumer confidence at pati na rin ang investment.

Dahil may trade deficits, pwedeng makahimok ng investments ang ekonomiya para palaguin ang produksyon. Hindi sila naniniwala na nagdudulot ng pagkawala ng trabaho ang trade deficit bagkus nagkakaroon pa ng maraming trabaho.

Ung ibang ekonomista naman, tinitingnan nila ang trade deficit bilang pagpapahayag lamang ng kagustuhan ng mga mamimili. Kaya, walang epekto ito sa ekonomiya.

Para sa mga ekonomistang ito, tumataas ang consumption kaya nag-iimport ng mas maraming produkto. Ibig sabihin, masigla ang ekonomiya. Mas maraming pagpipilian ang mga mamimili.

Pero, ang pinakamagandang pagsipat sa trade deficits ay ung balanced view. Kapag ang trade deficit ay dahil sa pangungutang para masustinehan ang pangkasalukuyang consumption demands at hindi para sa long-term investment o di kaya ay nagdudulot ng pagtaas ng inflation o nagiging dahilan ng pagkawala ng trabaho, ibig sabihin, masama ang epekto nito.

Pero, kung ang trade deficit ay dahil sa gusto lamang ng mga mamimili na magkaroon ng mas maraming pagpipilian, ibig sabihin, maganda ang epekto nito.

Itinatanggi ng rehimeng Duterte na ang trade deficit na nararamdaman ng bansa ay masama para sa ekonomiya. Para sa kanila, mabuti ito dahil sa ang mga materyales na inaangkat ay para naman sa imprastraktura.

Pero, kelangan din namang tingnan ang trade deficit bilang isang factor lamang ng ekonomiya. Marami na ang nagbababala na nauubos na ang dollar reserves ng bansa. Ganun din, lumalawak ang current account deficit.

Kung tama man ang rehimeng Duterte, eh di mabuti. Pero, paano kung mali? Lahat tayo apektado. Di ba dapat maging maingat sila dahil buhay ng bawat Pilipino ang apektado?

 

 

Source:

ABS-CBN News. (2019, January 10). Trade deficit widens to $3.9 billion in November 2018.

Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/business/01/10/19/trade-deficit-widens-to-39-billion-in-november-2018

Infoplease. (n.d.). Trade Deficits: Bad or Good?

Retrieved January 11, 2019, from Infoplease: https://www.infoplease.com/homework-help/social-studies/international-finance-trade-deficits-bad-or-good

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *