Trade Deficit at Halaga ng Piso: ANO ANG KONEK?

Pinalala ng trade deficit ang pagbaba ng halaga ng piso. Bakit kaya?

Ayon sa report, nagtala ng pinakamataas na trade deficit ang Pilipinas noong 2017. Dahil dito, lalong bumaba ang halaga ng piso. Noong December 2016, ang naitalang trade deficit ay US$2.47 billion. Ngunit noong December 2017, ito ay lumobo sa US$4.017 billion. Ganun din, para sa taong 2017, ang naitalang trade deficit ay US$29.79. Ito na ang pinakamalaking trade deficit na naitala sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ano ba ang trade deficit?

Trade deficit kapag mas malaki ang import kesa sa exports. Ganun din, lumalabas ng bansa ang pera. Ibig sabihin din nito, hindi sapat ang napo-produce na goods ng mga Pilipino. Mas maraming imported items ang pumapasok sa Pilipinas para punan ang pangangailan ng mga Pilipino.

Ano ang epekto ng trade deficit?

Dahil sa mas maraming imports, bumababa rin ang halaga ng mga bilihing gawa sa Pilipinas dahil sa kumpetisyon. Kung mas marami ang imports, nagkakaroon ng mas maraming pagpipilian ang mga Pilipino. Ganun din, may pagkakataon ang mga Pilipino na gumamit ng mas maraming produkto. Pag may paglago sa consumption, ibig sabihin nun lumalago ang ekonomiya.

Ngunit, nangangahulugan din na mas kokonting trabaho ang nake-create ng Pilipinas. Kung mas marami ang imports, bababa ang presyo at hindi na makakalaban ang mga local goods sa mga imported goods. Pag mas maraming imports, apektado ang mga factories at magbubunsod ito ng mas mababang kita para sa mga empleyado o mas kokonting trabaho para sa mga Pilipino. Pag mas konti ang trabaho, mas konti ang produktong nagagawa para sa ekonomiya. Ibig sabihin, mas marami ang kelangang iimport at mas lalaki ang trade deficit.

Bakit lumobo ang trade deficit ng Pilipinas noong 2017?

Mas lumaki ang trade deficit dahil na rin sa pag-import ng rehimeng Duterte ng mga kailangan para sa “Build! Build! Build” program nito. Inaasahang mas lalawak pa ang trade deficit dahil sa patuloy na pag-angkat ng mga gagamitin sa imprastraktura. At dahil dito, bumaba lalo ang halaga ng piso kontra dolyar. Dahil sa pagpapalabas ng datos tungkol sa trade noong Biyernes, ika-9 ng Pebrero, bumaba sa 51.48 ang halaga ng piso kontra dolyar. Ito ay mas mababa ng 17 sentimo kesa noong Huwebes.

Bakit bumaba ang halaga ng piso nung lumawak ang trade deficit?

Kailangan ang dolyar sa pag-import ng mga produkto sa iba’t ibang bansa. Hindi naman tinuturing na international currency ang Philippine peso. At dahil dyan, ang importers ay kelangang magpapalit ng kanilang hawak na piso para maging US dollars at maipambayad sa mga suppliers nila.

Dahil sa tumaas ang imports, tumaas din ang pangangailangan sa US dollars. Pag mas malaki ang demand sa US dollars, bababa ang halaga ng piso. Ibig sabihin, mas maraming piso ang kelangan para ipalit sa US dollars.

Ayon sa report, 17.6% ang itinaas ng imports noong December 2017. Mas maraming produkto tulad ng transport equipment, electronic products, industrial machinery, mineral fuels, iron, at steel ang naipasok sa bansa. Ngunit, bumaba ang export ng 4.9% noong December dahil na rin sa pagbaba ng demand para sa Philippine-made products.

Ano ang epekto ng pagbaba ng halaga ng piso sa presyo ng mga bilihin?

Dahil sa mas marami ang imports, ibig sabihin, mas maraming piso ang kinailangan ng mga importers para mabayaran ang kanilang mga inangkat na produkto. At dahil sa mas malaki ang gastos nila sa pag-aangkat, natural lamang na bawiin nila ang kanilang nagastos sa pamamagitan ng pagtataas ng presyo ng kanilang mga produkto sa merkado.

Ibig sabihin, mas maraming piso ang kelangan ng ordinaryong Pilipino para makabili ng kanilang mga pangangailangan. Dagdag pa dyan ung mga karagdagang buwis na nakakarga sa presyo ng mga bilihin dahil sa TRAIN ni Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *