SWS: 10.9M na Pilipinong may Gulang ang Walang Trabaho noong 1st Quarter 2018

Akala ko ba eh maganda ang takbo ng ekonomiya ngayong si Duterte ang nakaupo?

23.9% o 10.9M Filipino Adults ang Walang Trabaho

Source: SWS Website

Ayon sa Social Weather Station, dumami ang walang trabahong may gulang na Pilipino. Ang survey ay kanilang isinagawa mula Marso 23 hanggang Marso 27 ng taong kasalukuyan.

Mas mataas ng 8.2% ang kasalukuyang survey kesa noong December 2017, kung saan 15.7% o 7.2M adult Filipinos ang walang hanapbuhay. Ganun din, ang kasalukuyang number ay mataas  ng 1%, kumapara noong March 2017. Ito na rin ang pinakamataas na number since December 2016.

Ang joblessness rate ay bumibilang nga mga Pilipinong may gulang na boluntaryong umalis ng kanilang pinagtatrabahan, natanggal sa kanilang mga trabaho, at mga unang beses na naghahanap ng trabaho.

Bumagsak din ng 4% ang optimism ng mga Pilipinong may gulang tungkol sa pagdami ng trabaho sa bansa. Ang optimism para sa 1st quarter 2018 ay 49%, samantalang 53% naman noong 4th quarter 2017.

Sino sino ang Kasama sa Adult Joblessness?

Source: SWS Website

Kasama sa mga adults na walang hanapbuhay ang mga sumusunod:

  • Mga boluntaryong umalis sa kanilang pinagtatrabahuhan
  • Mga nawalan ng trabaho dahil na-retrench
  • Mga unang beses pa lang naghahanap ng trabaho

Saang Lugar Marami ang Nawalan o Umalis sa Kanilang mga Dating Trabaho?

Source: SWS Website

Maliban sa Kalakhang Maynila, tumaas ang Adult Joblessness sa buong Pilipinas. Pinakamalaki ang itinaas ng adult joblessness sa Luzon.

Ano ang Inaasahan ng mga Pilipinong may Gulang tungkol sa Pagdami ng Trabaho?

Source: SWS Website

Sa survey ng Grant Thorton’s International Business Report para sa 1st quarter 2018, bumaba ng 10% ang business optimism ng mga Filipino executives. Dito sa survey ng SWS, bumaba ng 4% ang net optimism ng mga Filipino adults tungkol sa pagkakaroon ng mas maraming trabaho sa bansa para sa darating na 12 months.

Sa kabuan, less optimistic ang Filipino businessmen at workers tungkol sa kabuhayan over the short term.

Source: SWS Website

Bumaba ng 4% ang Net Optimism ng mga Filipino adults tungkol sa pagkakaroon ng trabaho sa Pilipinas sa loob ng darating na 1 taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *