Suportado ng IMF ang Pagbabawas ng Corporate Taxes

Suportado ng IMF ang Pagbabawas ng Corporate Taxes

Nakahanap ng kakampi si Tatay Digs!

IMF: Tataas ang Business Confidence Kapag Naipatupad ang TRAIN 2

Ayon sa International Monetary Fund, ang planong pagbabawas ng corporate taxes habang sinosolusyunan ang mga nakikitang butas ng tax laws na inaabuso ng mga kumpanya. Makakatulong ito para pataasin ang kumpyansa ng mga negosyante sa bansa.

Sa TRAIN 2 ni Duterte, bababaan ang income tax ng mga kumpanya mula 30% ay magiging 25% na lamang. Ganun din, babaguhin ang pagbibigay ng mga tax incentives sa mga kumpanya na nagiging dahilan para mabawasan ng 301B pesos na kita ang Pilipinas kada taon.

Ayon kay Rhee Changyong, director ng IMF Asia-Pacific, “The government’s proposed second phase of the tax reform is critical to the modernization of the corporate tax system in the Philippines, in support of the country’s development.”

Kapag naipatupad na ang batas, mapapabuti ang overall business environment ng Pilipinas at magkakaroon ng impresyon na ang Pilipinas ay seryoso sa pagpapatupad ng pagbabago.

Maraming kumpanya ang sumusuporta sa pagbabawas ng corporate income tax. Ngunit, ang mga batas na nagbibigay ng mga incentives sa mga companies ay syang nagiging punto ng di pagkakasundo ng Department of Trade and Industry at ng Department of Finance.

Para sa Department of Finance, hindi kailangan ang pagbibigay ng tax incentives sa mga kumpanya sapagkat binabawasan nito ang perang nakokolekta ng gobyerno. Ngunit, para sa DTI, importante ang tax incentives dahil ito ang nakakaengganyo sa mga dayuhan na mag-invest sa Pilipinas na magbibigay ng trabaho sa mga Pilipino.

Pinakamataas ang corporatate tax rate sa Pilipinas. Sa Laos, Malaysia, at Vietnam, ang tax rate ay mababa pa sa 25%. Nagpapataw ng 20% tax rate ang Thailand, samantalang mas mababa pa sa 20% ang corporate tax rate ng Brunei at Singapore.

Ayon kay Rhee Changyong, ang mataas na corporate tax rate ay nakaka-discourage sa mga kumpanyang hindi nakakatanggap ng tax incentives. In effect, ang mga kumpanyang ito ang nagsa-subsidize sa mga kumpanyang nakakatanggap ng tax breaks.

Ang pagkakaroon ng karampatang corporate tax system ay makakatulong para mapalakas ang kompetisyon sa pagitan ng mga negosyo at makakaengganyo ng mas malawak na investment sa Pilipinas.

Abangers na lang tayo sa susunod na kabanata. Pareho kasing may punto ang DTI at DOF.

 

Source:
Lucas, D.L. (2018, June 26). IMF backs plan to cut corporate taxes. Inquirer.net. Retrieved from http://business.inquirer.net/253024/imf-backs-plan-cut-corporate-taxes

One thought on “Suportado ng IMF ang Pagbabawas ng Corporate Taxes”

Comments are closed.