Soplak si Ben Diokno! May Pondo Para sa Salary Increase sa Reenacted Budget!

Soplak si Ben Diokno! May Pondo Para sa Salary Increase sa Reenacted Budget!

Senators Ping at Bam, kinontra si Ben Diokno!

May Pondo para sa Salary Increases sa Reenacted Budget

Kinontra nina Senators Ping Lacson at Bam Aquino si DBM Secretary Ben Diokno. Ayon kasi sa huli, walang pondo para sa pay increase sa reenacted budget.

Ngunit, ayon sa dalawang senador, meron!

May 99.4B pesos na pondo sa 2018 budget sa ilalim ng Miscellaneous Personnel Benefits Fund para magamit pambayad sa salary increase ng empleyado ng gobyerno ngayong January.

Ang 62.8B pesos ay para sa compensation adjustment at 12.36B pesos naman for salary upgrades.

Constitutional ang pagpapatupad ng salary increase ngayong buwan.

Ayon kay Senator Bam, pwedeng gamitin ang MPBF para sa salary increase para matulungan ang mga government workers na makaya ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Matatandaang napirmahan ni President Noynoy Aquino ang salary increase para sa mga kawani ng gobyerno ngayong 2019. Samantala, may pinirmahan din si Duterte na pagtaas ng sweldo ng military ngayong taon.

Kasama sa 3.7T pesos 2019 national budget ang pondo para rito. Ngunit, di nga naaprubahan ang budget bago matapos ang 2018 kaya reenacted budget muna ang pinapatupad.

Ginagawang hostage ng girian nina Ben Diokno at Andaya ang sweldo ng mga kawani ng gobyerno. May pondo naman pala, so ibigay na ang salary increase ngayong buwan.

 

 

Source:

ABS-CBN News. (2019, January 10). Bam, Ping to Diokno: Funds for state workers’ pay hike available in reenacted budget.

Retrieved from ABS-CBN News: https://news.abs-cbn.com/news/01/10/19/bam-ping-to-diokno-funds-for-state-workers-pay-hike-available-in-reenacted-budget

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *