Solomonic o SO MORONIC?

Solomonic o SO MORONIC?

Siguro naman alam na nating lahat kung ano ung “Solomonic decision” ni Digong na ibinibida ni Roque, ano?

Roque: “Medyo Solomonic”

Ibinida ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Friday na nakapagdesisyon na raw ang Pangulong Duterte kung paano reresolbahin ang isyu sa Kuwait.

Ayon kay Roque, nakipag-usap si Digong kina DFA Secretary Alan Peter Cayetano at DOLE Secretary Silvestre Bello III habang nasa Singapore para dumalo sa 32nd ASEAN Summit.

Ayon kay Roque, “Parang (It seems like) he’s been thinking long and hard about it. Sinabi niya kung ano’ng gagawin niya (He told us what he is going to do), which was really neither the recommendation [of secretaries Bello and Cayetano]. I think it was he who thought it himself.”

Dagdag na ni Roque, “Medyo solomonic (It’s a rather solomonic decision). My immediate answer is I did not expect that. It’s a Duterte pronouncement so of course it’s dramatic.”

Duterte: Umuwi na Kayo

Sa harap ng Filipino community sa Singapore, sinabi ni Digong sa mga OFWs sa Kuwait, “I now appeal to your sense of patriotism. Come home. Tutal, marami nang trabaho sa Pilipinas (Besides, there are many jobs now in the Philippines).”

Dagdag pa ni Duterte, “I am appealing to my countrymen to come home. Apparently, it seems that you do not like the way they are expected to serve their employers. I’m sorry for that,” he added. “Lahat kayong Pilipinong nakikinig, umuwi na lang kayo sa Pilipinas.”

May Trabaho nga bang Naghihintay para sa 260,000 OFWs na nasa Kuwait?

Sabi ni Senator Sherwin Gatchalian, “Tama naman ang pangulo na dapat protektahan an gating mga kababayan na walang pakundangan na inaabuso. Importante ang buhay ng mga OFW pero ang 250,000 ay malaking numero. Pagdating dito hindi agad magkakatrabaho yan.”

Ayon naman kay Senator Nancy Binay, “Parang hindi kakayanin na ma-absorb ng ‘Build, Build, Build’ program ng gobyerno yung mga kababayan natin sa Kuwait.”

Dagdag pa ni Binay, “Kung yung 36,000 nga na nasa Boracay isyu kung paano bibigyan ng trabaho, ito pang daan-daang libo mula sa Kuwait. Hindi pa malinaw ang para sa mga manggagawa sa Boracay, to think na six months lang yan, uncertain kung papaano.”

Ayon kay Senator Risa Hontiveros, “What is so ‘Solomonic’ about a solution that actually cuts the baby in half? It is extremely reckless, shortsighted, and uncaring…. This is not a game. We are talking about the lives and future of our OFWs and their loved ones.

Dagdag pa ni Senator Risa, “Are we even talking about the same Philippines? President Duterte is promising our OFWs jobs back in our country when he can’t even sign an executive order to address labor contractualization and protect the workers’ security of tenure. His administration doesn’t even have an alternative economic strategy to the country’s labor export policy.”

Ganun din, ayon kay Associated Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippinies (ALU-TUCP) Spokesperson Alan Tanjusay, “There will be chaos and anarchy here in our country if we take back all the 260,000 OFWs from Kuwait now.”

Dagdag pa ni Tanjusay, “Government should rather have [a] transition and reintegration plan first before they are actually repatriated.”

Nakakalungkot lang na ang 260,000 OFWs sa Kuwait ang kelangang magsakripisyo dahil lamang sa kapalpakan ng ilang tauhan ni Duterte. Bakit nga ba hindi pa pinaparusahan ni Digong ang mga tunay na may sala?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *